• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MPBL magiging pro league sa 2021?

Maliban sa Philippine Basketball Association (PBA) ay magkakaroon pa ng isang professional basketball league sa bansa.

 

Ito ay sandaling magsumite ng aplikasyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Sen. Manny Pacquiao sa Games and Amusements Board (GAB) sa susunod na taon.

 

“Baka sakali magkaroon tayo ng professional basketball league pa na mga bago, hindi pa natin ma-announce kung saan at kung kailan,” sabi ni GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa MPBL.

 

Ang MPBL ay inilunsad ni Pacquiao noong Agosto ng 2017 bilang isang semi-pro league na nagtampok sa 10 koponan sa inaugural season at lumobo sa 31 tropa.

 

Sa MPBL naglalaro ang ilang players na wala nang kontrata sa PBA habang nagpapakitang-gilas din sa nasabing regional league ang mga gustong umakyat sa PBA.

Other News
  • SHARON, balik na sa pagiging hurado sa ‘YFSF’ kasama sina GARY at OGIE; wish ng fans na maipalabas din sa TV5

    TIYAK na happy ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil malapit na nila muling mapanood ang kanilang idol sa telebisyon.     Kasali na muli si Sharon bilang judge ng Your Face Sounds Familiar na malapit na muling mag-taping after conducting auditions.     Isa ang Your Face Sounds Familiar sa mga paboritong programa […]

  • Reklamo sa LTO, pwede na sa online

    Maaari nang magreklamo online ang publiko sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng inilunsad na online complaint platform na “Isumbong Mo Kay Chief” QR code.     Ang LTO “Isumbong Mo Kay Chief” QR code ay  isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit […]

  • P30K cash assistance para sa anak ng mga OFWS, ibabahagi ng DOLE

    TINATARGET ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED) na mamigay ng cash assistance sa mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho o namatay dahil sa coronavirus pandemic.   Bawat magkokolehiyong anak ng mga ODWs ay makatatanggap ng P30,000 bilang educational assistance.   Ayon kay […]