P30K cash assistance para sa anak ng mga OFWS, ibabahagi ng DOLE
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
TINATARGET ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED) na mamigay ng cash assistance sa mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho o namatay dahil sa coronavirus pandemic.
Bawat magkokolehiyong anak ng mga ODWs ay makatatanggap ng P30,000 bilang educational assistance.
Ayon kay DOLE Undersecretary Dominique Tutay, ang nasabing one-time financial assistance ay nakapaloob umano sa Tabang OFW Program ng DOLE at CHED.
May inilaan na P1 bilyong piso na pondo ang pamahalaan para sa halos 30,000 OFW beneficiaries.
Balak aniya ng DOLE at CHED na simulan ang pamamahagi ng ceducational assistance sa buwan ng Oktubre sa oras na maisaayos na ang listahan ng mga kwalipikadong anak ng mga OFW.
Magkakaroon din umano ng pagpupulong para suriin ng mabuti ang magiging listahan upang makita kung tutugma ito sa listahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kakailanganin lamang ng mga ito na ipakita ang patunay na ang kanilang mga anak ay naka-enroll o mag-e-enroll sa CHED-accredited o recognized colleges o university.
-
Last full cabinet meeting, isasagawa ni Pangulong Duterte – Palasyo
ISASAGAWA na ngayon ang huling full cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito bumaba sa puwesto. Pero hindi naman kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Chief at Acting Spokesperson Martin Andanar kung anong oras ang cabinet meeting. Kung maalala, madalas isinasagawa ni Pangulong Duterte ang pagpupulong sa gabi. […]
-
‘The Flash’, Meets The ‘Justice Society of America’ After His Accidental Time Travel
AFTER streaming Zack Snyder’s Justice League on HBO Go, fans are now rooting for more DC films. As we await their upcoming live-action films in a few months, we can also look forward to the new animated film Justice Society: World War II. A new clip was released for the film, and it features […]
-
DOTr: Hiniling na isama ang bike lanes sa Google maps
Hinihiling ng Department of Transportation (DOTr) na isama ang mga bike lanes sa dashboard ng kilalang real-time navigation app na Google Maps upang matulungan ang mga seklista sa kanilang paglalakbay. Nakikipag-ugnayan na ngayon ang DOTr sa Google tungkol sa kanilang hiling na isama ang mga bike lanes sa Google maps. […]