• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, committed na tiyakin ang Energy Security ng Pinas, tinintahan ang Malampaya Service Contract 38

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kanyang administrasyon ay  committed na tiyakin ang  energy security sa bansa.

 

 

Kasabay nito ay ang paglagda, araw ng Lunes sa Service Contract (SC) 38 renewal agreement para sa  Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project.

 

 

“As we renew Service Contract (SC) 38, we optimistically look forward to the continued production and utilization of the remaining reserves of the Malampaya gas field, as well as further exploration and development of its untapped potential,” ayon sa Pangulong Marcos sa  signing ceremony sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“As I sign this SC 38 renewal agreement, we also lay stress on the Administration’s commitment to actively pursue the exploration, development, and utilization of the country’s indigenous energy resources, and to optimize our energy mix,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Layon ng Malampaya Project  na bawasan ang  “country’s dependence” sa oil imports at siguraduhin ang mas  stable na supply ng malinis na enerhiya mula sa isang indigenous source.

 

 

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo sa kakayahan at kagalingan ng  SC38 Consortium sa paghawak ng proyekto.

 

 

Tinawagan din nito ng pansin ang Department of Energy (DOE) na pangasiwaan ang implementasyon ng proyekto at tiyakin na mahigpit na mino-monitor at tiyakin na ang layunin ng Consortium ay alinsunod sa national interests ng bansa.

 

 

Kinokonsidera  ang proyekto bilang mahalagang pamamaraan ng pamahalaan tungo sa energy security, sinabi ng Pangulo na consistent ito sa Saligang Batas at ang State policy na apurahin ang pagtuklas at produksyon ng  indigenous petroleum ng bansa.

 

 

Sa kabilang dako, welcome naman kay DOE Secretary Raphael Lotilla ang renewal ng SC 38,  ang Consortium aniya ay  “meticulously evaluated” ng departamento.

 

 

“The assessment encompassed legal, technical, and financial capabilities, and confirmed the Consortium’s capacity to sustain the production operations and meet its obligations under the Renewal Agreement.  The DoE recommended the renewal of the service contract, anchored on the commitment of the Consortium to actively explore and evaluate additional gas resources,” ani Lotilla.

 

 

“Through the stringent due diligence observed, the government aims to uphold responsible and sustainable energy practices while effectively managing the valuable resource that is the Malampaya gas field,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang polisiya ay unang inilatag noong  1972 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 87 na ipinalabas ng ama ni Pangulong Marcos Jr. na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

 

 

Mula sa pagkakadiskubre sa gas field  may tatlong dekada na ang nakalilipas at  Project’s commissioning noong 2001, ang Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project  ay “has been a boon to the Philippines providing 20 percent of Luzon’s energy requirement.”

 

 

Sa pamamagitan ng proyekto, kumita ang pamahalaan ng P374 bilyong piso.

 

 

Taong 2022 lamang, nakapagbigay ang proyekto ng P26 bilyong piso na government revenues.

 

 

“Because of the contract renewal, the government will continue to generate revenues from the Project through a favorable sharing scheme,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang katuwang ng administrasyon sa private sector para sa patuloy na pagtitiwala sa ginagawang paglutas ng gobyerno.

 

 

“Through our strategic partnerships, we will remain on course towards the attainment of our goals of total electrification of our country, and of energy adequacy, reliability, and affordability, all for the betterment of the lives of the ordinary Filipinos,” anito.

 

 

“The Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project utilizes state-of-the-technology to extract natural gas and condensate from the depths of the Palawan basin. It will then process the gas in the nearby shallow water production platform and transport it across three provinces through a 504-kilometer underwater pipeline,” ayon sa ulat.

 

 

“An onshore gas plant in Batangas receives the gas for further processing before it is sent to five power-plant customers for power generation,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa event ay sina Speaker Martin Romualdez, Senator Raffy Tulfo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Presidential Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, Defense Officer-in-Charge Undersecretary Carlito Galvez Jr.,  Prime Infra Chairman Enrique Razon, at Philippine National Oil Company – Exploration Corporation President at CEO Franz Josef George Alvarez.

Other News
  • TEAM LEBRON, BINIGO ANG TEAM GIANNIS

    EMOSYUNAL ang kapaligiran bilang paggunita sa namayapang si Kobe Bryant, ngunit nang magsimula ang aksiyon, punong-puno ng tikas ang bawat galaw at bawat isa ang may matinding paghahangad na magtagumpay sa ginanap na makapigil-hiningang 69th NBA All-Star Game nitong Linggo (Lunes, Manila time).   Dati ay malamya ang depensa sa mga All-Star game at tila […]

  • 2 tulak laglag sa Caloocan drug bust

    NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang mahigit P80,000 halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Jobert, 35, ng Brgy. 120 ng lungsod at […]

  • ‘Mortal Kombat’ Reboot Drops First Red Band Trailer

    THE first trailer for New Line Cinema’s Mortal Kombat reboot film is finally here, and it does not hold back in the brutality that the successful video game franchise is known for.     It even opens with Sub-Zero ripping out his foe’s limbs!     Watch the red band trailer below:     The film stars […]