95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG nasa 95% hanggang 96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.
“As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.
“I expect mga 100 million more or less, so mga 95% to 96% na tayo,” ayon kay Uy nang tanungin ukol sa bilang ng mga registrants na patuloy na hinihintay ng DICT para magparehistro at porsiyento ng kabuuang registration.
Buwan ng Abril, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na hangad ng gobyerno ang 100% registration ng 168 million SIM owners.
Tinukoy ang mga karanasan mula sa ibang bansa na nagpatupad ng SIM registration, sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paolo Salvahan na ang average percentage ng registered subscribers ay 70% lamang.
Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang users ay mayroong 180 araw, o hanggang Abril 26, 2023, para iparehistro ang kanilang SIMs o harapin ang panganib na ma- deactivate ang kanilang SIM card.
Gayunman, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 90-day extension ng SIM registration period, epektibong inilipat ang deadline sa Hulyo 25, 2023.
Ang kabiguan na magparehistro ay magreresuta ng deactivation ng SIMs.
Sa oras na na-deactivate ang SIM, mapipigilan na ang subscriber na makatanggap at makapagpadala ng tawag at text messages at maka- access sa mobile applications at digital wallets. (Daris Jose)
-
Mangrobang balik karera
INAASIKASO ngayon ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tomas Carrasco Jr. ang mga badyet at papeles para sa Portugal training camp ni three-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Marion Kim Mangrobang. Puntirya ng samahan na makahabol pa sa world qualifying races ang 29 na taon at taga-Laguna na triathlete […]
-
Ads April 24, 2021
-
Lalaki timbog sa baril sa Valenzuela
KULONG ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang halughugin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela City. Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Malinta Police Sub-Station (SS4) na nag-iingat […]