Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.
Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.
Sa kabila na isa ang fishing sector na major contributor sa suplay ng pagkain sa bansa ay kabilang ito sa pinakamahirap.
Ayon sa Philippine Statistics Authority’s (PSA) Fisheries Situation Report for Major Species, ang total fisheries production ay tumaas ng 4,339.89 libong metric tons o 2.2% noong 2022 kumpara sa nakalipas na taon na 4,248.26 libong metric tons.
Lumabas din sa ulat ang pagtaas sa produksyon sa marine municipal fisheries and aquaculture, samantalang ang commercial at inland municipal fisheries ay dumanas naman ng setbacks sa nasabi ring taon.
Ayon naman sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nakapag-contribute naman ang municipal at aquaculture sub-sectors ng 73% sa total production ng fisheries sector mula 2011 hanggang 2020.
Base sa preliminary estimates ng PSA’s 2021 poverty statistics, ang mga nasa sector ng pangingisda ay nakapagrehistro ng mataas na poverty incidence rate na 30.6%, mas mataas sa 26.2% na naitala naman noong 2018.
Kapag naipasa bilang batas, ang mga benepisaryo ng programa ay otomatikong maisasama sa sakop ng National Health Insurance program ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
(Ara Romero)
-
Sa pagtatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: DAVID, nagbigay na ‘quick hint’ sa next project nila ni BARBIE
HULING gabi na ng special limited series nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco, ng “Maging Sino Ka Man,” pero hindi ibig sabihin ay mawawala na ang BarDa fever. Last Saturday, sa “24 Oras Weekend” ini-report ni Nelson Canlas na nagbigay na ng quick hint si David ng susunod […]
-
5 Govt. Agency prioridad na iimbestigahan
LIMANG government agency na talamak sa katiwalian ang binigyan priyoridad na iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra. Ayon kay Guevarra ,kabilang na ang Philippine Health Insur- ance Corp.(PhilHealth), Bureau of Customs , Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways. Sinabi ni Guevarra na una na […]
-
BIR, umapela sa lahat ng taxpayers na magbayad ng 2019 ITR
UMAPELA ang Bureau of Internal Revenue (BIR sa lahat ng taxpayers na maghain at magbayad ng kanillang 2019 Income Tax Returns (ITR) bago ang Abril 15, 2020. Sa economic briefing sa New Executive Building (NEB) ay sinabi ng BIR na ito’y isang friendly reminder sa lahat ng taxpayers para makaiwas sa rush at online […]