5 Govt. Agency prioridad na iimbestigahan
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
LIMANG government agency na talamak sa katiwalian ang binigyan priyoridad na iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ayon kay Guevarra ,kabilang na ang Philippine Health Insur- ance Corp.(PhilHealth), Bureau of Customs , Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways.
Sinabi ni Guevarra na una na siyang bumuo ng task force para imbestigahan ang korupsiyon sa PhilHealth at hindi pa tapos ang imbestigasyon.
”I think within the term ng President may ipapakita tayong resulta sa taumbayan ,” ayon kay Guevarra.
Sinabi ni Guevarra na naniniwala siya na hindi matatapos ang imbestigasyon kahit matapos pa ang termino ni Panguling Rodrigo Duterte pero tiniyak niya na mababawasan o mapipigilan ang korupsiyon.
Sinabi rin ni Guevarra na walang palalampasin ang imbestigasyon kahit pa miyembro ng Kongreso o executive agency.
”Sama-sama ‘yan because it’s a criminal act, the corrupt act na tinitingnan natin. Kung may ebidensiya ng kanilang involvement, direct o indirect, ay kasama sila,” ani Guevarra.
”I don’t think simply because he has expressed trust in a certain person eh babalewalain niya kung ang ebidensiya na nagpapakita ng involvement ay glaring ,” dagdag pa ni Guevarra.
Nalaman na magsasagawa rin nh lifestyle check ang DOJ at gagamiin ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net worth sa imbestigasyon. (Gene Adsuara)