• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas madaling medical access sa mga buntis, isinulong

KAILANGANG maglaan ng mas maraming resources para masigurong may sapat at madaling access sa health services ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak,

 

 

Reaksyon ito ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes matapos mapansin ng United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines na nasa 6-7 pinay ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak dala na rin sa kakulangan ng access sa health services.

 

 

“During emergencies, when access to maternal health services is disrupted, more women die during pregnancy and childbirth. Women die because sexual and reproductive health services are unavailable, inaccessible, unaffordable, or of poor quality,” ayon kay UNFPA Country Representative Dr. Leila Saiji Joudane sa isang press release.

 

 

Ang kanyang pahayag ay base sa Philippine Statistics Authority (PSA) data, kung saan ipinapakita na 2,478 babae ang namatay dahil sa maternal causes noong 2021, mula 1,458  noong 2019.

 

 

Nabatid din ng UNFPA na 14% ng buntis ang hindi sumasailalim sa regular check-ups at iba pang kinakailangang medical care tuwing nagbubuntis at isa sa bawat 10 kababaihan ang hindi nanganganak sa health facilities o nakatanggap ng assistance mula sa skilled healthcare personnel tuwing nanganganak.

 

 

“Dehado ang mga kababaihan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) dahil mas malaki ang kailangan nilang gastusin para makakuha ng health services,” anang mambabatas.

 

 

Idinagdag nito na mahalaga na inilalapit ang serbisyo sa kanila (Ara Romero)

Other News
  • Paratang ni VP Leni na na-bully ang kanyang mga anak dahil sa #NasaanAngPangulo, pinalagan ni Sec. Roque

    PINALAGAN  ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ulat na binully niya ang mga anak ni Vice President Leni Robredo makaraang banggitin niya ang mga komento nila na tila patungkol kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa social media.   Ayon kay Sec. Roque, sinabi  lamang niya na nagsalita ang mga anak ng bise presidente sa isyu […]

  • ANGEL at ANNE, nagbigay ng donasyon sa Pasig pero wala talagang media coverage kaya puring-puri ni Mayor VICO

    NAGBIGAY ng tulong na P2 million sa Pasig sina Angel Locsin at Anne Curtis pero wala itong media coverage.     Hindi nila ipina-press release ang pagbibigay nila ng donation sa Pasig City.     Kaya naman pinapurihan sila ni idadagdag ni Pasig Mayor Vico Sotto sa vaccination fund ang idinonate nina Anne at Angel na […]

  • Kaso ng COVID-19 sa 9 na lungsod sa Metro Manila bumaba – OCTA

    BUMABA ang kaso ng COVID-19 sa siyam na lungsod sa Metro Manila batay sa latest report ng OCTA Research  group.     Mula sa  data ng Department of Health, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Team, sa 1,712 Bagong kaso ng COVID na naitala nitong nagdaang linggo sa bansa , 369 lang dito ang […]