• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-angkat ng 150K metric tons ng asukal, kailangan para matugunan ang posibilidad ng kakulangan – PSA

NAGPALIWANAG ang sugarcane regulatory Administration sa pangangailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.

 

 

Kahapon nang opisyal na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-angkat muli ng 150,000 metrikong tonalada ng asukal dahil sa posibilidad ng kakulangan sa mga darating na buwan.

 

 

Ayon sa SRA, magkakaroon ng negative ending stock ang bansa ng hanggang sa 552,835 metrikong tonelada pagsapit ng Agosto 2023. Ito ay kasabay na ng pagtatapos ng milling season.

 

 

Kung hindi mag-aangkat ang bansa ng sapat na supply ng asukal, tiyak umanong kukulangin na ang supply nito sa merkado.

 

 

Batay sa pagtaya ng SRA, maaaring abutin lamang sa 2.4 Million metric tons ang local production ngayong taon, na pinapaniwalaang kukulangin para tugunan ang pangangailangan ng mga consumer sa bansa.

 

 

Paliwanag ng SRA, ang 150,000 metriko tonelada ng asukal na aangkatin ay maaaring madamit upang pantustus sa anumang kakulangan ng supply nito sa mga merkado.

Other News
  • Ads June 17, 2024

  • Delta variant ‘dominanteng’ uri na ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas — WHO

    Karamihan na sa mga nagkakahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay dahil sa mas nakahahawang Delta variant, pagkukumpirma ng kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas kahapon, Martes.     Bagama’t mas nakahahawa na sa karaniwan ang Alpha at Beta variants ng COVID-19, 60% na “mas transmissible” dito ang Delta variant, ayon sa pahayag ng Department of Health at Vaccine […]

  • VP LENI sinagot pagiging top spender sa Facebook ads

    NILINAW ng isang 2022 presidential aspirant ang patungkol sa pangunguna niya sa gastusin pagdating sa campaign ads sa isang social media site, habang idinidiing ginawa ito ng kanyang mga supporter upang labanan ang “fake news” at disinformation.     Umabot kasi sa P14.1 milyong halaga ng Facebook advertisements ang nagastos para kay Bise Presidente Leni […]