• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 60K Pinoy nagbenepisyo sa P400 milyong medical assistance – PCSO

IBINAHAGI ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi bababa sa 60,000 Pilipino ang nakinabang sa mahigit P400 milyon na inilabas ng ahensya sa tulong medikal sa unang quarter ng 2023.

 

 

“Nasa 60,779 kaba­bayan natin ang natulu­ngan sa kanilang gastu­sing pang-medikal, na uma­bot sa P410,427,957.55 na inilabas ng PCSO sa pamamagitan ng Medical Access Program,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.

 

 

“Asahan po ninyo na tuluy-tuloy lang ang PCSO sa adhikain nitong matulungan ang sambayanang Pilipino. Paiigtingin pa natin ang serbisyo para mas marami pang kababayan natin ang makinabang,” dagdag pa ni Cua.

 

 

Ayon sa PCSO, ang Medical Access Program (MAP) ay sumasaklaw sa iba’t ibang mga request para sa fund augmentation para sa mga medical concerns tulad ng confinement, dialysis injection, paggamot sa kanser, hemodialysis, laboratoryo, diagnostic, at mga ima­ging procedures, gayundin sa implant at mga medikal na kagamitan, atbp.

 

 

Anila, ang MAP ay kinuha mula sa Charity Fund na binubuo ng 30 porsiyento ng mga net receipt, at eksklusibong ginagamit upang pondohan at suportahan ang mga programang pangkalusugan, tulong medikal, mga serbisyo, at mga kawang­gawa na may national character.

 

 

Ang PCSO ay kumakalap ng mga pondo sa pamamagitan ng mga sweepstakes, karera ng kabayo, lottery at mga kahalintulad na aktibidad.

 

 

Nagpahayag si Cua ng positibong pananaw na ang ahensya ay makakapaglingkod sa mas maraming Pilipino ngayong taon at lalampas sa mga numerong naitala nito noong 2022 kung saan nakapaglabas ang PCSO ng P1,395,310,206.43 sa 210,731 benepisyaryo.

Other News
  • Benilde rumesbak!

    BUHAY  pa ang College of Saint Benilde nang kubrahin nito ang 76-71 panalo kontra sa defending champion Colegio de San Juan de Letran para makahirit ng do-or-die Game 3 sa NCAA Season 98 men’s basketball finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Walang iba kundi si season Most Valuable Player (MVP) Will Gozum ang […]

  • Panawagan sa pagsasagawa ng legal na action laban sa mga Chinese Nationals isinumite sa OSG

    ISINUMITE ng House Quad Comm sa Office of the Solicitor General (OSG) nitong Lunes ang mga dokumentong hawak nito kasabay ng panawagan nang pagsasagawa ng legal action laban sa mga Chinese nationals na naakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship para iligal na makabili ng lupa at makapag-operate ng business sa Pilipinas.     Hinikayat […]

  • Misyon ng AFP nagbago sa gitna ng problema sa South China Sea

    NAGBAGO na ang misyon ng  Armed Forces of the Philippines  (AFP) sa gitna ng kumplikadong sitwasyon sa South China Sea at matinding kumpetisyon ng “superpowers.”     Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tropa ng Visayas Command sa Cebu, winika ng Pangulo na ang problema sa South China Sea p ang itinuturing na […]