• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Benilde rumesbak!

BUHAY  pa ang College of Saint Benilde nang kubrahin nito ang 76-71 panalo kontra sa defending champion Colegio de San Juan de Letran para makahirit ng do-or-die Game 3 sa NCAA Season 98 men’s basketball finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Walang iba kundi si season Most Valuable Player (MVP) Will Gozum ang nasandalan ng Bla­zers matapos kumana ng 21 points, 10 rebounds at tatlong blocks.

 

 

Nagpasiklab din si Migs Corteza na nagsumite ng sariling double-double na 21 points, 10 boards, apat na assists at isang block.

 

 

Naitabla ng Blazers ang best-of-three championship series sa 1-1 kung saan lalaruin ang deciding Game 3 sa susunod na Linggo (Disyembre 18) sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

 

 

Nag-ambag naman si Miguel Oczon ng 15 markers, pitong boards, dalawang assists at isang block habang may 10 puntos, apat na assists at dalawang boards si Rob Nayve.

 

 

Nanguna sa panig ng Letran si Brent Paraiso na naglista ng 16 markers samantalang may tig-11 sina Louie Sangalang at Kurt Reyson.

 

 

Nabangasan pa ang Knights sa pagka-eject ni Fran Yu matapos patawan ng disqualifying foul nang sikuhin nito si Benilde player Mark Sangco sa second quarter.

 

 

Dahil dito, awtomatikong mapapatawan si Yu ng suspensiyon kaya’t hindi ito makalalaro sa do-or-die game ng Letran at Benilde sa susunod na linggo.

 

 

Samantala, napasakamay ni Gozum ang MVP award matapos magtala ng averages na 16.9 points at 9.8 rebounds kada laro sa eliminasyon.

 

 

Si Gozum ang unang MVP mula sa Benilde sapul nang magwagi si Jay Sagad noong 2005 edisyon ng torneo.

 

 

Kasama ni Gozum sa Mythical Selection sina JB Bahio at James Kwekuteye ng San Beda University, King Caralipio ng Letran at Cade Flores ng Arellano University.

 

 

Nakuha rin ni Flores ang Defensive Player at Rookie of the Year awards.

 

 

Pasok sa defensive team sina Gozum, Bahio, Mark Omega ng Perpetual Help at Romel Calahat ng San Sebastian College-Recoletos habang Most Improved Player si Shawn Umali ng Lyceum.

 

 

Ibinigay sa San Beda ang sportsmanship award. (CARD)

Other News
  • Casimero-Butler fight kanselado uli

    MULING  mauudlot ang laban nina reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero at Paul Butler sa Abril 23 na gaganapin sana sa M&S Bank Arena sa Liverpool, England.     Ito ay matapos lumabag si Casimero sa patakaran ng British Boxing Board of Control (BBBC) kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng sauna […]

  • 9 senador pabor sa extension ng ABS-CBN operation

    SIYAM na senador ang naghain kamakalawa ng concurrent resolution na naglalayong payagan ng Kongreso na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay pa ngayong 18th Congress ang renewal ng kanilang prangkisa na mapapaso na sa Mayo 4 ng taong ito.   Ang mga senador na kasama sa naghain ng Senate Concurrent Resolution 7 ay sina Senate Majority […]

  • Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte

    SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”     Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.     Post naman ng aktres […]