• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagtapos na summa cum laude sa Psychology course: SHERYL, emosyonal na ipinagmalaki ang anak na si ASHLEY

IPINAGMALAKI ni Kapuso actress Sheryl Cruz sa kanyang Instagram post, ang pagtatapos ng anak niyang si Ashley Bustos. 

 

 

Nagtapos ito na summa cum laude sa Psychology course nito sa San Francisco State University this May. IG caption ni Sheryl: #BestMother’sDayGiftI’veEverHad #LearningthatAshleyisgraduatingSummaCumLaudethisMay2023,#SoProud&BlessedtohaveYouAnak.”

 

 

Naging emosyonal si Sheryl na hindi makapaniwalang napagtapos ang anak  at with top honors pa.  Nag-sorry pa si Sheryl sa anak dahil magkahiwalay silang mag-ina since narito naman sa bansa ang trabaho niya.

 

 

Kaya para makabawi sa anak, ilang araw pa before Ashley’s graduation, pumunta na siya ng Amerika, dahil nagkataong birthday din ng anak sa mismong graduation nito.

 

 

“I’m very excited for her and I’m very proud of her because efforts niya lahat ito,” dagdag pa ni Sheryl. “Kalahati lamang ako na nagbigay ng shares kung anuman ang meron siya ngayon at kalahati naman ay mula sa family ng tatay niya.  Kaya I’m very grateful kasi kahit na malayo kami sa isa’t isa, hindi nasayang yung effort.”

 

 

Hindi rin magtatagal sa San Francisco si Sheryl dahil kasalukuyan siyang nagti-taping ng bagong afternoon GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-at-Law” na pinangungunahan ni Jo Berry.

 

***

 

 

TOTOHANAN na at wala nang paglilihim si Rayver Cruz sa totoong relasyon nila ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, nang mag-celebrate ito ng kanyang 29th birthday.

 

 

Instagram post ni Rayver: “On this day, the love of my life was born.  Thank you for the infinite magic we share every single day.  Know that I’ll always be by your side every step of the way,through everything.

 

 

“May you continue to be a blessing not just to me, but to everyone.  Happy Happy Birthday my love.  Super proud of you always! I love you!!!

 

 

Sumagot din naman agad si Julie ng “Aww you’re the best! Thank you my love, I love you.”

 

 

Sunud-sunod din namang bumati kay Julie ang mga Kapuso stars na sina Sanya Lopez, EA Guzman, Jak Roberto, Carla Abellana, Shaira Diaz, Gardo Versoza, at siyempre pa ang future bayaw na si Rodjun Cruz: Awww! Wohoo!!! Happy birthday Julie.  We love you @myjaps. God bless you always.

 

 

Very soon ay mapapanood na ang bagong teleserye na first time pagtatambalan nina Julie Anne at Rayver, ang “The Cheating Game” for GMA Public Affairs.  Visit www.gmanews.tv for more updates on #JulieVer and The Cheating Game!

 

 

***

 

AYAW munang tumanggap ng mga heavy acting projects si Maja Salvador ngayong naghahanda siya para sa coming July wedding nila ng non-showbiz fiancé niyang si Rambo Nunez.

 

 

Topmost priority at the moment ni Maja at part ng kanyang preparation was to look her best on her special day.

 

 

Kaya light shows lamang ang ginagawa ngayon ni Maja tulad ng game show na “Emojination” para sa TV5 at nagsimula na rin siyang mag-taping with the cast of “Open 24/7” headed by Bossing Vic Sotto.

 

 

Ang laughter-filled brand new sitcom will begin on Saturday, May 27 sa GMA-7.  Papalitan nila ang “Daddy’s Gurl” nina Bossing Vic at Maine Mendoza na finale episode na this Saturday, May 20, pagkatapos ng “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Mga papuri, buhos pa rin sa nurse na tumulong magpaanak sa isang street dweller sa Makati

    Patuloy pa rin ang buhos ng mga papuri sa isang nurse matapos nitong tulungang manganak ang isang street dweller sa Osmeña Avenue sa Brgy. Bangkal, Makati City.   Ibinahagi ng Bangkal Emergency Response Team sa social media ang mga larawan ng nurse, na napadaan lang sa lugar, noong Martes ng umaga kung kailan nangyari ang […]

  • NCAA sasambulat sa June 13

    Matapos ang mahigit isang taon pagkakatengga, lalarga sa Hunyo 13 ang special edition Season 96 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).     Pormal nang inanunsiyo kahapon ni NCAA Management Committee (Mancom) chairman Fr. Vic Calvo ng host school Colegio de San Juan de Letran ang petsa ng opening ceremony ng pinakamatandang collegiate league sa […]

  • PBBM, pinangalanan ang bagong PH ambassador to Hungary, iba pang mga bagong gov’t appointees

    PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Elena Algabre bilang pinakabagong Philippine ambassador to Hungary na may concurrent jurisdiction sa Bosnia at Herzegovina, Montenegro, at Serbia. Sa katunayan, inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga pangalan ng mga bagong appointees noong Disyembre 31, 2024. Kabilang din […]