Iniuugnay sa estafa case: SUNSHINE, tahimik at wala pang inilalabas na official statement
- Published on May 19, 2023
- by @peoplesbalita
ANG comment ni Pia Wurtzbach ang obviously, nakaka-boost pa ng fighting spirit ni Michelle Dee, ang bagong kinoronahan na Miss Universe-Philippines.
Obviously, aware si Pia sa mga pinagdaanan ni Michelle na pambabash at pagne-nega ng ilan.
Ang haba ng comment ni Pia at pagbibigay ng lakas ng loob pa kay Michelle. At tila sinasabi nito na ‘wag magpapa-apekto sa sinasabi ng iba.
Sabi ni Pia, “Yes!! Beautiful I love how you stayed true to who you are and did not let pageant trends or chiefs dictate how you should be. It stood out perfectly! Please maintain that till Miss Universe!
“We want to see you. Michelle Dee. Don’t let other “chiefs” dictate how you should represent yourself.
“As Esther advised me before, too many chiefs ruin the fun. And at this point everyone will act like an expert, even strangers. It’s you Michelle who’s gonna be on that stage.
“And that’s once in a lifetime experience. Bring the Philippines with you yes, but still be you.”
Nag-reply naman si Michelle sa mahabang comment na ito ni Pia sa kanyang Instagram post at sinabi nga nito na sa bawat payo raw ni Pia siya nakakahugot ng lakas.
“Amen Queen!!! I Always find strength from your advice and you couldn’t have said it any better. I’ll take this to heart.”
***
TAHIMIK at wala pa rin inilalabas na ano mang official statement ang actress na si Sunshine Dizon tungkol sa estafa case na iniuugnay rito.
Sinubukan din namin na i-message si Sunshine para hingan ng reaksiyon, pero hindi pa ito nagsi-seen o reply. Nirerespeto naman namin at hindi na siya kinulit pa sa minsan pagpapadala ng message sa kanya.
Iba-iba na ang naglalabasan tungkol dito. Meron sa BGC at meron din sa Daet, Camarines daw na isyu.
Base lang sa nalaman namin, may legal counsel naman si Sunshine na siyang pwedeng mag-ayos ng bagay na ito. And knowing Sunshine, wala naman itong inuurungang ano mang isyu sa kanya. Siguradong may sagot si Sunshine whether involve nga ba siya or may cheque ba siya na na-isyu.
Kaya hintayin na lang natin kung kailan man siya maglalabas ng official statement, most likely, mula sa kanyang lawyer na rin.
(ROSE GARCIA)
-
108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity
UMAABOT na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat. Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos […]
-
PAGSUSUOT NG SHIRT O PARAPHERNALIAS NA MAY MUKHA NG KANDIDATO, DI REKOMENDADO
HINDI inirerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na magsuot ng T-shirt o paraphernalia na may mukha o pangalan ng mga kandidato at polling precincts sa araw ng halalan. Kumpiyansa ang Comelec na maging ‘smooth’ ang May 9 electionsatapos ang final testing, sealing . “Di po tayo magdidikta at […]
-
Paras, Torralba at Cuno makakatulong — Racela
KUMPIYANSA si Raoul Cesar ‘Nash’ Racela sa tatlong bagitong hinugot ng Blacwater sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa nakalipas lang na buwan. Nilarawan ng Bossing coach sina Andre Nicholas Alonzo Paras, Joshua Torralba at Rey Mark Auno na mga batang palaban, masipag mag-hustle at hindi lang sa opensa uubra kundi maging […]