• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGSUSUOT NG SHIRT O PARAPHERNALIAS NA MAY MUKHA NG KANDIDATO, DI REKOMENDADO

HINDI inirerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na magsuot ng T-shirt  o paraphernalia na may mukha o pangalan ng mga kandidato at polling precincts sa araw ng halalan.

 

 

Kumpiyansa ang Comelec na maging ‘smooth’  ang May 9 electionsatapos ang final testing, sealing .

 

 

“Di po tayo magdidikta at hindi natin ipo-prohibit ang isang botante na nakasuot ng kulay ng isang kandidato… pero iwasan po natin magsuot ng mga damit na merong mukha ng kandidato,” sabi ni  Comelec commissioner George Garcia.

 

 

Paalala ni Garcia, bawal na ang pangangampanya sa May 9.

 

 

“We will not dictate upon voters and prohibit them from wearing the campaign color of a candidate. But let us avoid wearing clothes with the face of a candidate. Let us remember that campaigning on May 9 is banned.” dagdag pa ni Garcia .

 

 

Sinabi ni Garcia na ang mga tumitingin sa halalan ay maaaring i-flag ang mga botante na magsusuot ng mga campaign materials sa loob ng mga polling precinct.

 

 

“Kapag po kayo nagsuot ng face mask na may mukha ng kandidato, baller o damit na may mukha ng kandidato, ‘yan po ay siguradong sigurado ako io-object ng mismong watcher sa loob ng polling precinct,” dagdag pa ni Garcia.

 

 

Ayon pa kay Garcia, ang sample ballots ay hindi dapat ipinamamahagi sa presinto.

 

 

“Bawal na bawal po ang pamimigay ng sample ballots. Unfortunately, despite the efforts of the commission, even in the past ang pinamimigay kasi mga bata. ‘Di mo puwede arestuhin ‘yung bata,” paalala ni Garcia. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Kakulangan sa konsulta program providers, tugunan

    UMAPELA  si AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palakasin pa ang pagsusumikap nito na magdagdag ng accredited service providers para sa Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Package na magbibigay ng access saprimary health care services sa mga miyembro ng PhilHealth.     Nangangamba ang mambabatas sa mababang bilang ng […]

  • MRT 3 and PNR nagbibigay ng libreng antigen test

    Ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) ay nagbibigay ng libreng antigen testing sa mga pasaherong gustong sumailalim sa nasabing testing.       Ayon sa MRT 3, ang mga tauhan nito ang siyang magbibigay ng antigen testing sa mga pasahero na nagsimula kahapon hanggang Jan. 14, Jan. […]

  • Para mapagaan ang entry of investments sa Pinas: PBBM, gusto agad na tugunan ng DTI ang ‘pain points’

    NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.  sa  Department of Trade and Industry (DTI) para tugunan ang hamon sa  pagpasok ng investments sa Pilipinas.     Ito na kasi ang tamang  panahon para maglagay o magtayo ng green lanes para rito.     “Malinaw po ang instruction ng Presidente – he wants an all-of-government approach […]