• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 tulak tiklo sa Navotas, Valenzuela buy bust

APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa kanyang kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na nakatanggap ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu sina Allan Tremocha alyas “Allan Pakyu”, 50 at Edwina Moratalla, 46, kapwa ng Market 3, NFPC, Brgy. NBBN kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation sa Kaduli St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong ala-1:19 ng madaling araw matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6.54 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P44,472.00, buy bust money at coin purse.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU team ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Cpt Joel Madregalejo sa buy bust operation sa No. 441 Bagong Nayon, Brgy., Bagbaguin dakong alas-5:45 ng madaling araw sina Rey Clarin, 52, pintor at Alex Devaras, 44, factory worker.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, nakuha sa mga suspek ang apat heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman nasa P32,000.00 halaga ng hinihinalang shabu, P300 marked money, P200 recovered money at coin purse.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang Navotas at Valenzuela police sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon, maagap na mga estratehiya, at malakas na pakikipagtulungan sa komunidad para labanan ang iligal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng komunidad. (Richard Mesa)

Other News
  • Megawide kinuha ng SMC upang gumawa ng bagong terminal building sa Caticlan airport

    KINUHA ng San Miguel Corp. (SMC) ang infrastructure-conglomerate na Megawide Construction Corp. upang sila ang mag develop ng Caticlan airport upang maging isang world-class na airport ito.       Ayon sa Megawide nakuha nila ang kontrata para gawin ang design at ang pagtatayo ng bagong passenger terminal building sa Caticlan airport.     Ang […]

  • Hinay-hinay sa mga pahayag sa COVID-19 situation

    Umapela kahapon ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent experts’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang nangyayaring bagong ‘surge’ sa Metro Manila.     Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge […]

  • Halos 29-K job seekers, sinamantala ang ‘Independence Day’ job fair

    MAHIGIT 28,000 na mga naghahanap ng trabaho ang nagtungo sa iba’t ibang lugar kung saan isinagawa ang nationwide “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” job at business fairs bilang bahagi ng Independence Day celebration.     Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sinamantala ng 28,600 job seekers ang 151,000 local at overseas employment opportunities.     […]