Paglalagay ng DA ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas, suportado ni Speaker Martin Romualdez
- Published on May 24, 2023
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ni Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin.
Una nang inihayag ng DA na sa loob ng linggong ito ipatutupad ang SRP na P150 per kilo para sa pulang sibuyas at P140 per kilo naman para sa puting sibuyas.
Tiniyak pa ng ahensiya na papatawan ng kaukulang kaso ang sinumang mabibigong sumunod sa kautusang ito ng ahensiya.
Ayon kay Romualdez, sa pagpapatupad ng SRP para sa sibuyas ay tiyak na mapoprotektahan nito ang mga mamimili laban sa mga di makatarungang pagtataas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.
Kasabay na rin sa pagpapatupad ng SRP, sinabi ng speaker na dapat siguruhing maisasaalang alang ang interes ng mga stakeholders gaya ng mga traders, market vendors, partikular na ang mga onion farmers ng bansa.
Naniniwala pa si Romualdez na hindi lamang pagpapatupad ng SRP ang solusyon sa problema sa price fluctuations ng sibuyas kundi masawata ang malawakang onion cartel sa bansa.
Una nito, umapela ang speaker sa National Bureau of Investigation, Philippine Competition Commission, at DA na magtulungan para makakuha ng matibay na ebidensiya at makasuhan ang mga kartel.
“Putting members of this cartel behind bars will send the unmistakable message that the government will not tolerate any unfair trade practices that prey on the hapless consumer and farmers,” dagdag ni Romualdez.
Nanawagan din ito ng tulong mula sa kaukulang gobyerno para sa mga magsasaka lalo na yaong nagtatanim ng sibuyas upang ma-engganyo ang mga ito na magdagdag sa produksyon para masiguro ang sapat na suplay.
Halimbawa aniya, ang pagbibigay tulong ng DA na pataba at pagtatayo ng karagdagang mga cold storage facilities.
Matatandaan na umabot pa sa P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas noong Disyembre ng nakaraang taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
National gov’t, patuloy ang pakikipag-koordinasyon sa Metro Manila Mayors
TULUY-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng National government sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila mayors para sa posibilidad na maibaba na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR). Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, na mayroon na silang hawak na talaan […]
-
Ads September 25, 2020
-
Ads March 15, 2022