• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National gov’t, patuloy ang pakikipag-koordinasyon sa Metro Manila Mayors

TULUY-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng National government sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila mayors para sa posibilidad na maibaba na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, na mayroon na silang hawak na talaan para mapagbasehan kung dapat na bang mag-shift ang NCR sa MGCQ mula sa GCQ.

 

Subalit, umamin si Vergeire na hindi pa kumpleto ang kanilang mga hawak na datos dahil hindi pa nakapagsusumite nito ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

Pagdating din sa surveillance at contact tracing system medyo kulang pa talaga aniya ang mga cities and lone municipalities sa NCR.

 

Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pakikipag-koordinasyon ng pamahalaan sa Metro Manila Mayors para matulungan ang mga ito na maging handa na sakaling luwagan na sa MGCQ ang buong Kamaynilaan. (Daris Jose)

Other News
  • James nagpasikat sa panalo ng Lakers vs Wolves

    Kumolekta si LeBron James ng 25 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-99 career triple-double para banderahan ang nagdedepensang La­kers sa 137-121 paghuli sa Minnesota Timberwolves.     Umiskor din si Montrezl Harrell ng 25 points para sa panalo ng Lakers (27-13), nakahugot kina Dennis Schröder, Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker ng […]

  • Ilang taon ding nabakante sa pag-arte: MARIAN, aminadong mangangapa sa pagbabalik-serye at sa pelikula

    AMINADO si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mangangapa siya sa pag-arte pagkatapos ng ilang taon na mabakanteng gumawa ng pelikula at teleserye.     Inaayos na nga nina Marian at Dingdong Dantes ang kanilang schedule para sa nakaka-excite na reunion movie nila na “Rewind” under Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na idi-direk […]

  • Walang indikasyon ng lockdown tapos ng halalan – Duque

    WALANG indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.     “Sa ngayon, walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown matapos ang eleksyon,” pahayag ni Duque sa panayam ng Dobol B TV.     Paliwanag niya, kung kinakailangan, magkakaroon lamang […]