In character pa habang nakaupo sa wheelchair: RICHARD, kitang-kita ang reaksyon nang sorpresahin ng kanyang pamilya
- Published on May 24, 2023
- by @peoplesbalita
ALIW ang panonorpresa kay Richard Yap ng kanyang pamilya nitong kaarawan niya.
In character ang Kapuso actor sa taping ng “Abot Kamay Na Pangarap” nang sorpresahin siya para sa kanyang ika-56 na kaarawan.
Sa video na ipinost sa Instragram ng Sparkle GMA Artist Center, pinangunahan ng kanyang asawa na si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan ang ginawang sorpresa sa aktor.
Kasama rin siyempre ang cast at crew ng Kapuso hit afternoon series, kung saan gumaganap si Richard bilang si Dr. Roberto “RJ” Tanyag, naka-recover na mula sa pagkaka-comatose kaya may benda pa siya sa ulo at naka-wheelchair.
Sa video, maririnig na nagbibigay ng instruction para sa simula ng taping kaya in character na si Richard habang nakaupo sa wheelchair sa loob ng isang kuwarto.
At nang isigaw na ang “magic word” na action!, hindi ang kaeksena sa serye ang pumasok sa kuwarto kung hindi ang kanyang misis at mga anak na may bitbit na cake at inawitan na si Richard ng birthday song.
“Richard Yap thought it was another working birthday for him but this one was extra-special because his family paid him a surprise visit on the set of the GMA Afternoon Prime series #AbotKamayNaPangarap! Happy Birthday again, Richard!,” saad sa caption.
Makikita naman sa reaksyon ni Richard na successful ang ginawa nilang pagsorpresa sa aktor.
Mapapanood ang “Abot Kamay na Pangarap,” pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.
***
BAGAMAN handa si Mike Tan na gawin ang lahat para sa kanyang pamilya, kahit itaya pa ang sariling buhay, may bagay din na hindi niya kayang gawin.
“Lahat talaga gagawin ko for my family. Kung patalunin man ako sa building… ‘di ba,” sabi ni Mike sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
Gayunman, sinabi ni Mike na hindi siya gagawa ng masama, tulad ng pagpatay o pagnanakaw para sa pamilya.
“Mas takot na ako sa Diyos pagdating doon. Pero I will do everything na under ni God, by His laws, gagawin ko lahat para sa pamilya ko,” paliwanag ni Mike na may dalawa nang anak.
“That was what I was gonna say, I’d even die for my family,” pagsang-ayon naman ni Valerie Concepcion na kasama ni Mike sa Kapuso series na “Seed of Love.” At kasabay na nag-guest sa programa ni Tito Boy.
“Biglang napaisip ako, papatay ba ako, magnanakaw ba ako para sa pamilya? I really think that I’d do anything for my family.
“I think ‘pag nandoon na sa sitwasyon na ‘yon and if given a choice kung gagawin ko ito or ikamamatay ng someone I really love, I might do it,” paliwanag ni Valerie.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Diskriminasyon ng CHED sa hindi bakunado at bakunado walang basehan –Atty. Larry Gadon
WALANG legal na basehan ang inilabas na order ng Higher Education Institutions laban sa mga hindi bakunado at hindi kumpletong bakunado na mga mag- aaral ay labag daw sa konstitusyon. Sa isinagawang pulong Balitaan sa tanggapan ng public attorney’ office sa lungsod ng Quezon City sinabi ni Atty: Larry Gadon, isang paglabag sa […]
-
Militar nag-sorry sa UP alumni na inilistang NPA
Humingi ng tawad ang isang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mali-maling impormasyon na inilabas na nagtuturo sa ilang graduates ng Unibersidad ng Pilipinas na diumano’y naging New People’s Army (NPA) member kahit walang katotohanan. Ika-21 ng Enero, 2021 kasi nang maglabas ang Facebook page na AFP Information Exchange ng […]
-
Pag-amin ni PDu30, walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid-19
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid- 19 kahit pa nabakunahan na siya laban dito. “There is no way, guarantee that I will not be a victim of COVID,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi. “At no other […]