• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naging bahagi ng buhay niya ang historical landmark: REGINE, isa sa nalungkot sa pagkasunog ng Manila Central Post Office

ISA ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa naisip namin habang nasusunog ang Manila Central Post Office noong Lunes.

 

 

 

Bukod sa siyempre, isa na itong historical landmark ng bansa.

 

 

 

Ang movie ni Regine with Richard Gomez ay napakaraming scene na kinunan sa MCPO, though, marami rin Pinoy movies na naging location ito. Pero isa talaga sa tumatak ang movie nila na “Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon.”

 

 

 

At nalungkot nga si Regine sa nangyari at nag-post sa kanyang Instagram ng isang scene niya habang nakaupo sa bench at nasa background ang Manila Central Post Office.

 

 

 

At sabi niya, “Ano na kaya mangyayari kay Katherine at sa iba pang naging bahagi ng Manila Central Post Office? Naging bahagi ng buhay ko ang Post Office. Napasok ko at nakilala rin ang mga kaibigan do’n.

 

 

 

“The Manila Central Post Office was a historical landmark and it’s so sad that this happened.”

 

 

 

***

 

 

 

MAY bago na namang aabangan na promising singer, mula sa bayan ng Cavite and yes, true to her surname, siguradong madali ng makokonek kung ano ang pinagmulan niyang lahi, si Lizzie Aguinaldo.

 

 

 

Teenager pa lang ito, pero makikita na may promise talaga with her looks and voice. Ang maganda, suportado si Lizzie ng mga kababayan niya para sa kanyang very first single under Star Music, ang “Baka, Pwede Na,” mula sa award-winning composer na si Direk Joven Tan.

 

 

 

Ang first single niya ay ilalabas na ngayong end of May kaya malapit na malapit na.

 

 

 

***

 

 

 

HINDI lang may consent kung hindi, mismong si Congresswoman Lani Mercado pala ang nag-recommend kay Beauty Gonzalez na kuhanin ni Senator Bong Revilla para sa sitcom nito sa GMA-7, ang “Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis.”

 

 

 

Movie nila ito na ini-remake ngayon for TV at magpa-pilot na sa June 4. Kaya raw si Beauty ang napili ni Cong. Lani dahil nakikita raw niyang babagay rito ang role at sakto ang pagiging Bisaya pa.

 

 

 

Masaya naman si Senator Bong sa bagong sitcom dahil sa five taping days na raw na nagagawa nila, ang saya raw nila sa set at nakikita rin daw niya kay Beauty na sobrang nag-e-enjoy ito.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Sen. Go naghain ng panukalang batas sa pagpapaliban ng PhilHealth contribution hike

    Inihain na ni Sen. Bong Go, chair ng Senate Committee on Health ang Senate Bill No. 2000 na naglalayong bigyang otoridad si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang scheduled increase sa premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).     Sinabi ni Sen. Go, kailangang mag-pokus muna kung paano matulungan ang mga kababayang […]

  • SEN. MANNY, inalala ang mapanghamon na 26 years ng kanyang boxing career

    MALAYO na nga ang narating ni Manny “Pacman” Pacquiao o Emmanuel Dapidran Pacquiao sa tunay na buhay.      Mula sa binatilyong nangarap na maging magaling na boksingero, natupad niya ito at higit pa!     Kaya naman bilang pag-alala sa 26 na taon ng kanyang pagiging professional boxer, proud na proud na ibinahagi ni […]

  • HERBERT, good influence kay RUFFA kaya botong-boto si ANNABELLE

    MATAGAL nang pinag-uusapan kung sino ang ‘beautiful girlfriend’ ni Senatorial candidate Herbert Bautista, at maraming nagsasabi na si Ruffa Gutierrez daw iyon.     Pero ayaw umamin ni Herbert at mas mabuti raw kung si Annabelle Rama, mom ni Ruffa, ang tanungin, kaya naman ang nakulit ay si Jun Lalin, close friend ng mga Gutierrez. […]