CHINESE NATIONAL NA WANTED SA PYRAMID SCAM, DINAMPOT SA LAGUNA
- Published on May 25, 2023
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Chinese na wanted ng awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot ng large-scale pyramid investment scam.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Liu Jing, 44, na inaresto sa loob ng kanyang bahay sa isang subdivision sa Biñan, Laguna ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU).
Si Liu ay inaresto ng operatiba ng BI-FSU sab isa ng mission order mula kay Tansingco sa kahilingan ng Chinese authorities.
Ayon kay Tansingco, kinansela ng gobyerno ng Chinese ang pasaporte ni Liu na maituturing nang isang undocumented alien at maaari na itong ipa-deport.
Over-staying na rin si Liu kung saan dumating sa bansa noong Dec. 31, 2019 bilang turista at hindi na umalis pa simula noon.
“She will thus be deported for being an undesirable, overstaying and undocumented alien,” ayon kay Tansingco.
Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Liu ay may nakabinbin na arrest warrant ng public security bureau sa Yongjian district ng Handan City sa Hubei province, China noong May 12, 2021.
Siya ay inakusahan na bumuo at nag-operate ng pyramid investment schemes sa pamamagitan ng foreign currency exchange platform na nakapanloko ng mahigit 300,000 na mga Chinese na umabot sa mahigit US$2.5 million.
Si Liu ay kasalukuyang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportation proceedings. GENE ADSUARA
-
Itinutulak na impeachment ng Makabayan Bloc laban kay VP Sara, isang ‘political opportunism’-NSC
KINOKONSIDERA ng National Security Council (NSC) na isang “political opportunism” ang impeachment plan laban kay Vice President Sara Duterte. Naniniwala kasi si NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na ang ginagawang pagtutulak ng Makabayan bloc sa impeachment laban kay VP Sara ay para lumikha ng lamang ng political mileage bago pa ang midterm […]
-
Kaya sa ‘Pinas na lang sila magho-Holy Week: MICHAEL V., takot na maging biktima uli ng hold-up
MAY dahilan si Michael V. kung bakit mas gusto raw niyang sa Pilipinas na lang sila mag-spend ng Holy Week ng kanyang pamilya. Ayon sa Kapuso comedian, takot daw siyang maging biktima ng hold-up ulit. Hindi naman tinukoy ni Bitoy kung saan naganap ang pangho-hold-up sa kanya, pero nangyari daw iyon […]
-
Director James Wan Takes Beyond Atlantis in “Aquaman and the Lost Kingdom”
DISCOVER new worlds, mythical quests, and the challenges of Arthur and Orm. Immerse yourself in a world of color, fantasy, and epic storytelling. James Wan, the acclaimed director of “Aquaman,” is back with a vibrant sequel, “Aquaman and The Lost Kingdom.” This time, the underwater world of Atlantis is not just revisited but expanded, […]