• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Konstruksyon ng MRT 4 tumaas ng P28 billion

NAGPAHAYAG ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng karagdagan gastos ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 4 dahil sa pagbabago ng design at technology na gagamitin.

 

 

 

Ang pamahalaan ay kinakailangan gumastos ng kabuuang P87 billion upang matapos ang civil works at ang pagbili ng systems at trains na gagamitin sa MRT 4. Ang dating kinakailangan pondo nito ay nagkakahalaga lamang ng P59.3 billion.

 

 

 

Maglalaan ang DOTr ng P2.32 billion para sa paunang trabaho ng MRT 4 habang ang malaking halaga na P1.03 billion ay gagamitin sa structural demolition at site clearing operations sa mga lugar na dadaanan.

 

 

 

Magbabayad ang DOTr ng $865 million o P48 billion sa mga contractors na siyang gagawa ng depot, istasyon, main line at receiving substations. Magdadagdag pa ng budget ang DOTr para gamitin sa 600-meter na elevated walkway na magdudugtong sa MRT 4 at MRT 3.

 

 

 

Gagastos din ang DOTr ng $864 million o P37 billion para sa electromechanical at track works kasama na ang supply ng rolling stock ng MRT 4.

 

 

 

“The cost of the project has gone up due to the technical changes made by Spanish multinational IDOM in its consultancy work. It has increased due to the change in technology after the consultant conducted an update of the demand study,” wika ni MRT project manager Jumar Ramos.

 

 

 

Ayon kay Ramos na wala pang finalization kung magkano talaga ang itataas ng project cost. Kapag nalaman ang final na costing, ang Department of Finance (DOF) ay gagawa ng adjustments sa loan request ng pamahalaan para sa MRT 4.

 

 

 

Ang proyekto ay co-funded ng Asian Development Bank (ADB) at Asian Infrastructure Investment Bank. Ang pamahalaan ay may pending na $900 million request mula sa ADB upang bigyan pondo ang konstruksyon ng MRT 4.

 

 

 

Magpapadala ang ADB ng fact-finding team mula Aug. 25 hanggang 31 at magkakaron din ng management review sa darating na Oct. 30.

 

 

 

Umaasa ang pamahalaan na malalagdaan ng ADB ang loan contract ng MRT 4  sa looba ng taon ito sapagkat magsisimula na ang procurement ng contractors sa katapusan ng 2023.

 

 

 

Sinabi ni Ramos na ang pamahalaan ay nagsusulong sa kanilang plano na ang MRT 4 ay maging isang heavy metro rail system na may rapid-transit structure tulad ng Light Rail Transit Line 2 (LRT 2).

 

 

 

Sa unang plano, ang DOTr ay gustong gawin ang MRT 4 na isang monorail system na nangangailangan lamang ng konting space para sa kanyang operasyon. Subalit nagdesisyon ang DOTr na sundin na lamang ang recommendation ng IDOM na gawing metro rail upang masiguro na ang passenger demand ay mabigyan ng sapat na serbisyo.

 

 

 

Nakalagay sa timetable na dapat ang DOTr ay simulan na ang early works sa unang quarter ng 2024. Habang sa pagitan ng 2023 at 2024 ay dapat mayron ng project management consultancy para sa proyekto at nagkaron na ng bid contract packages para sa civil works at railway systems kasama ang trains.

 

 

 

Nakalagay din sa timeline na dapat ay may full operasyon na sa taong 2028. Mayron 12.7 kilometers ang MRT 4 na may 12 estasyon na dadaan sa 2 lungsod ng Metro Manila tulad ng Quezon City at Pasig City kasama rin ang 2 bayan sa Rizal tulad ng Cainta at Taytay.

 

 

 

Ang nasabing railway na idudugtong sa MRT 3 at Metro Manila Subway ay makakabawas ng travel time mula Quezon City papuntay Taytay at Ortigas ng 30 minuto. LASACMAR

Other News
  • 10 pasahero na COVID-19 positive tumakas sa India

    HINAHANAP na ng mga otoridad sa India ang nasa 10 pasahero na tumakas mula sa paliparan ng Amritsar City.     Ang nasabing mga pasahero aniya ay nagpositbo sa COVID-19 subalit sila ay tumakas.     Sinabi ni senior district officer Ruhee Dugg na lulan ng international chartered flight ang mga pasahero mula Italy na […]

  • 3 PULIS MAYNILA, INARESTO SA PAGPATAY SA ISANG KOREANO

    INARESTO  ng  Manila Police District (MPD) ang tatlo nilang kabaro matapos na masangkot sa pagpatay umano sa isang Koreano sa isang sementeryo sa Valenzuela City.     Kabilang sa nabanggit na mga pulis ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc.     Ayon kay MPD Director Brig.General […]

  • 2 OFW INARESTO SA PAMEMEKE NG KANILANG EDAD

    NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang dalawang Overseas Filipino Workers na patungo sana ng Jeddah dahil sa pamemeke ng kanilang edad.     Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morent nina  Travel Control and Enforcement Unit officers Maria Clarissa Bartolome at  Kaypee Enebrad, pansamantalang hindi pinangalanan […]