• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apela sa publiko, huwag paniwalaan ang oposisyon

NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik.

 

Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay huwag paniwalaan ang oposisyon na wala namang ginagawa kundi ang mamulitika.

 

“The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik.

 

Kasi kung maaari lang ibigay ko na lang para hindi na sisirain ang Pilipino. Hindi na tayo masira. Ibigay ko na lang. Iyong naiwan ko sige inyo na. Tapos na rin ako ilang taon na.
Sa katunayan, ang inaatupag ng oposisyon ay dumihan ang administrasyon para sila ang bumango at pumuti,” ayon sa Pangulo.

 

“Ito wala itong ginawa kung hindi mamulitika. Tama ‘yung sabi ni Bong “If you want to appear white, you paint the other person black.” Pinturahan mo ng itim at ika’y puputi. Painting the other guy black so that you would appear white. Iyan ang ginagawa nila. Pinipinturahan kami ng itim para bumango sila, maputi sila,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

At maging pati ang mga tinaguriang komunista na nakapasok na sa gobyerno ay binanatan din ng Pangulo na pawing dawit sa tinatawag na grand conspiracy.

 

Special mention naman ng Pangulo si Representative Carlos Zarate na aniya’y kanyang binabantayan.

 

“O tingnan mo anong ginawa ng…? Saan nakipagkunsabo pati itong mga komunista sa nakapasok sa gobyerno. Do you think that we will stop there? I said you are a member of a grand conspiracy of communism, lahat kayo. The act of one is the act of all.

Ikaw, Zarate, bantay ka. Medyo… Sabi niyo paalis na ako? Well, really?,” lahad ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Bangka tumaob: 26 patay, 40 nasagip

    NASA 26 katao ang nasawi makaraang tumaob ang isang pampasaherong bangka sa Laguna de Bay malapit sa Talim Island sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon.     Sa inisyal na impormasyon ng Philippine Coast Guard Sub-Station Binangonan, dakong ala-1 ng hapon nang tumaob ang MBCA Princess Aya, may 30 yarda ang layo sa Talim […]

  • Gobyernong PBBM, may plano sa mga retailers na apektado ng rice price ceiling

    MAY plano ang gobyerno sa mga rice retailers na labis na maaapektuhan ng price ceiling sa nasabing paninda.     Bago lumipad patungong Jakarta, Indonesia para magpartisipa sa  43rd ASEAN Summit, pinangunahan muna ni Pangulong Marcos ang isang pagpupulong kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa  State Dining Room sa Palasyo ng Malakanyang.     […]

  • Napa, 3 iba pa kabyos sa Summer Olympic Games

    MINTIS ang tatlo katao pambato ng bansa na nakipag-agawan sa dalawang puwesto para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na-move lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.     Sa pagwawakas ito ng 2021 Mussanah Open Windsurfing Championships-Asia Olympic Qualifer sa Millennium Resort sa Oman.     Pumangalawa si Charizzanne Jewel […]