• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binalikan ang ‘yatch date’ na promo ng movie: SAM, ‘di nagkamali sa pagsasabi noon na sisikat si ALDEN

SAKSI kami sa naging yacht date noon nila Alden Richards at Sam Pinto.

 

 

Nangyari iyon noong 2011 at magkasama sina Alden at Sam sa pelikulang ‘Tween Academy: Class of 2012’ ng GMA Films.

 

 

Nabanggit kasi sa isang interview ni Alden na isa sa crushes niya during that time ay si Sam Pinto na fresh na fresh noon dahil sa pagsali nito sa ‘Pinoy Big Brother: Double Up’.

 

 

Noong maging Kapuso si Sam, binigyan siya ng special role sa Tween Academy movie bilang teacher na pinagpapanyastahan ni Elmo Magalona. Pero na-focus ang promo kina Alden at Sam.

 

 

In-arrange ng GMA Films ang yacht date ng dalawa one week bago ang showing ng Tween Academy. Na-cover naman ang buong dinner date ng dalawa ng showbiz talkshow na ‘Showbiz Central’.

 

 

Tama ang sabi ni Sam na bata pa si Alden noon at tumulong daw siya sa promo ng pelikula na bida ang mga young stars ng GMA. Pero noong nag-uusap na raw sila ni Alden during dinner, nalaman niya na maraming pangarap si Alden para sa kanyang pamilya kaya ito tumigil muna sa pag-aaral para magtrabaho.

 

 

Naalala pa namin na sinabi ni Sam about Alden na sisikat ito dahil naka-focus ito sa pagtulong sa kanyang pamilya at hindi para lang sumikat sa showbiz.

 

 

Nagbabalik ulit sa pag-arte si Sam via ‘Abot Kamay Na Pangarap’ pagkatapos ng anim na taon. Sa six years na nagpahinga sa showbiz si Sam, kinasal ito sa basketball player na si Anthony Semerad at meron na silang isang anak.

 

 

***

 

 

NAGING emotional si Xian Lim sa kanyang pamamaalam sa mga nakatrabaho sa teleserye na ‘Hearts On Ice’.

 

 

Nag-last taping day sila noong nakaraang May 22.

 

 

Unforgettable daw para kay Xian ang naturang teleserye dahil sa naging ilang buwan niya ng training sa pag-figure skate at ice hockey. Sa post niya sa Instagram, sinama niya ang ilang sweet moments nila ng leading lady niya na si Ashley Ortega.

 

 

“I’m truly grateful sa GMA for giving me this opportunity. I learned a whole lot from this project. This was not an easy show to make. It was one of the hardest I’ve ever done, but it was one of the most satisfying. I am truly honored and proud to be surrounded by passionate individuals! Salamat sa lahat ng nagmahal sa character ni Enzo,” caption ni Xian.

 

 

Sunod naman na aabangan kay Xian ay ang naudlot na tambalan nila ni Jennylyn Mercado sa teleserye na ‘Love. Die. Repeat’.

 

 

***

 

 

MALAPIT na ang ultimate bakbakan ng Final 4 Clashers sa high-rating reality talent competition ng GMA na “The Clash 2023!”

 

 

This Sunday (May 28), magtatagisan ng galing sa pagkanta sina ‘Feisty Diva’ Arabelle dela Cruz, ‘Baby Girl Biritera’ Liana Castillo, ‘Sexy Songstress’ Mariel Reyes, at ‘Simpatikong Bokalista’ Rex Baculfo. Sino kaya sa kanila ang tatanghaling The Clash Grand Champion?

 

 

Abangan ang matinding pasiklaban sa Clash Arena kasama ang Clash Panel na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas.

 

 

May bonus pang pakilig kasama ang #JulieVer at Clash Masters na sina Total Heartthrob Rayver Cruz at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

 

 

Tutukan ang grand finals ng “The Clash 2023,” this Sunday at 7:50 p.m. on GMA Network.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey, maituturing na pinakamalakas sa kasaysayan nang bansa

    MAITUTURING  umano na pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Turkey ang naitalang magnitude 7.8 na lindol sa nasabing bansa.     Sa panayam kay Correspondent Lorie Ann Cabanilla Argallion, mula sa nabanggit na bansa, sinabi nito na una nang nakapagtala ng malakas na lindol noong 1990 na ikinamatay naman ng maraming tao.     Dagdag […]

  • Padilla nagbitiw bilang PDP-Laban executive VP, mananatiling miyembro

    INIHAYAG ni Sen. Robinhood Padilla, Martes, ang kanyang pagre-resign bilang executive vice president ng PDP-Laban, partidong pinangungunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.     Inanunsyo niya ito ilang araw matapos magbanta ng pag-alis sa partido kung hindi raw susuportahan ng grupo ang Charter change, bagay na sinang-ayunan ng PDP-Laban kalaunan.     “As an incumbent […]

  • Bb. Pilipinas International HANNAH, nagpasalamat sa ex-boyfriend na si MARLO na palaging nakasuporta

    DAHIL sa pinost ni Marlo Mortel sa kanyang Instagram account na throwback pictures nila ng bagong crowned na 2021 Binibining Pilipinas International na si Hannah Arnold at may caption ito na, “So proud of this one! Hard work, dedication and a compassionate heart truly pays off.  From this pic last 2015, I’ve seen how you’ve grown to become […]