• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga panukalang batas, ipinasa ng Kamara

Inaprubahan ng Kamara ang iba’t ibang panukala sa ikalawang pagbasa bago nagdeklara ng pagsasara ng sesyon para sa pagdiriwang ng Pasko.

 

Isa na rito ay ang House Bill 8097 na naglalayong gawaran ng karagdagang benepisyo ang mga solo parents.

 

Ang mga kuwalipikadong solo parents ay maaaring makinabang ng karagdagang 10% diskwento, sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng bata o mga kabataan na nasa ilalim ng solong pangangalaga ng kuwalipikadong solo parent.

 

Aamyendahan ng panukala ang Republic Act 8972 o ang “Solo Parents Welfare Act of 2000” upang pasiglahin ang buhay at estado ng mga solo parents at kanilang mga anak.

 

Inaprubahan din ang HB 8145 na naglalayong palawigin ang implementasyon ng lifeline rate kung saan aamyendahan nito ang Seksyon 73 ng Republic Act 9136 o mas kilala bilang “Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA Law. Ito ay upang gawing abot-kaya ang halaga ng kuryente para sa mga konsyumer na nabubuhay sa kahirapan.

 

Ang iba pang panukalang inaprubahan ay ang HB 8149 o ang “Bating Filipino Para sa Kalusugan Act,” na naglalayong baguhin ang sistema ng pagbati sa mas ligtas na pamamaraan para magpahayag at magpaabot ng pangungumusta, respeto, at papuri; HB 8216 o ang “Swimmers’ Protection and Safety Act,” HB 7950 o ang “People Empowerment Act,” na naglalayong bumuo ng sistema ng pakikipagsosyo sa pagitan ng lokal na pamahalaan at civil society organizations, sa pamamagitan ng People’s Council; at ang HB 8207 na naglalayong palitan ang mga kasalukuyang munisipalidad o grupo ng mga barangay tungo sa component cities.   (ARA ROMERO)

Other News
  • Pangulong Marcos ‘di dadalo sa Peace Summit ni Zelenskyy

    IPAPADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconcialia­tion and Unity Carlito Galvez, bilang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.         Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), subalit hindi naman tinukoy kung bakit hindi makakadalo si Pangulong Marcos sa naturang summit.       […]

  • Jordan positibo sa Covid-19

    UNITED STATES – Pakiramdam  ng isang National Basketball Association (NBA) star ay  timaan siya ng malas matapos magpositibo sa novel coronavirus isang buwan bago magsimula ang muling pagbubukas ng liga.   Ayon kay  Brooklyn Nets star DeAndre Jordan na na-diagnosed siya na positibo sa Covid-19 ilang araw bago tumulak papuntang Florida para sumabak sa training camp.   Sinabi ni Jordan malabo na siyang […]

  • Putin, nagpadala pa ng halos 100% forces ng pre-staged forces sa Ukraine – US official

    NAGPADALA pa ng karagdagang pwersa ng Russia sa Ukraine si Russian President Vladimir Putin.     Ayon sa isang senior US defense official, ito halos nasa 100 porsyento ng higit sa 150,000 na pwersang naunang itinalaga ni Putin sa labas ng nasabing bansa bago pa man nito isinagawa ang pananalakay.     Samantala, ipinag-utos namn […]