• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head

ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si  Katrina Gloria Ponce Enrile, anak na babae ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, bilang  administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

 

 

Ang posisyon ni Katrina ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay Cabinet rank.

 

 

Si Katrina  ay pangulo at  CEO ng JAKA Investments Corporation, at nasa likod ng corned beef brand na  Delimondo.

 

 

Sa social media post, pinasalamatan naman ni Katrina si Pangulong Marcos sa tiwala nito sa kanya sabay sabing siya ay “beyond grateful” sa pagkakatalaga sa kanya.

 

 

Ang  CEZA  ay nilikha sa bisa ng  Cagayan Special Economic Zone Act of 1995, na awtorisado ng matandang Enrile,  noong siya ay senador pa lamang.

 

 

Tungkulin ng  government corporation na i-manage at pangasiwaan ang  progreso ng Cagayan Special Economic Zone and Freeport. (Daris Jose)

Other News
  • Tulad nang naranasan ni Ruru sa ‘Black Rider’: KATRINA, naaksidente habang kinukunan ang maaksyong eksena

    NAAKSIDENTE pala si Katrina Halili habang kinukunan ang isang maaksyon na eksena sa action-serye na ‘Black Rider’ ng GMA Public Affairs.     On Instagram, sinabi ng Kapuso actress na naka-recover na siya mula sa aksidente at nakapag-taping na siya ulit.     “Recovered from a mishap from Black Rider shoot, game na ulit si […]

  • Mission: Impossible 7 Footage Shows Tom Cruise’s Biggest and Most Dangerous Stunt in Film History

    NEW Mission: Impossible 7 footage screened at CinemaCon shows Tom Cruise’s most dangerous stunt yet.     Cruise made his first appearance as the IMF agent Ethan Hunt in 1996’s Mission: Impossible. While the franchise has seen many successful installments, it didn’t take off in a big way until 2018’s Mission: Impossible – Fallout which stands as the highest-grossing film […]

  • Japan ipinagmalaki ang mabisang gamot laban sa COVID-19

    IPINAGMALAKI ng kumpanyang Shionogi & Co Ltd. sa Japan na mayroong mabilis na epekto ang kanilang gamot laban sa COVID-19.     Ayon sa datus ng Japanese drug maker na mabilis nitong pinapagaling ang mga nagpositibo sa COVID-19.     Patuloy na ini-evaluate ng mga Japanese regulators ang nasabing S-217622 pill ng nasabing kumpanya.   […]