• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OBRERO SUGATAN SA PULIS

SUGATAN ang isang 27-anyos na construction worker matapos makipagbarilan sa pulis na sumita sa kanya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang suspek na si Kenneth Bryan Gelito ng 2938 A. Bonifacio St. Pag-asa, Brgy. 175.

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, naganap ang insidente alas-9:20 ng gabi sa kahabaan ng T. Alonzo St. habang ang mga operatiba ng Intelligence Section ay nagsasagawa ng covert operation sa lugar kung saan laganap umano ang operasyon ng video karera.

 

Napansin ng isa sa mga operatiba na si Pat. Raymundo Sulit, Jr. si Gelito na kahina-hinala kaya’t sinita niya ito subalit, nagalit ang suspek at nagbanta sa pulis na hintayin siya at agad siyang babalik.

 

Makalipas ang ilang minuto, dumating si Gelito na armado ng “sumpak” at pinaputukan si Pat. Sulit subalit, hindi tumama na naging dahilan upang gumanti ng putok ang pulis at tinamaan sa kanang paa at hinlalato ang suspek.

 

Gayunman, nagawang makatakas ng suspek at naiwan ang kanyang baril sa lugar subalit, sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay agad naman siyang nasakote. (Richard Mesa)

Other News
  • Brutal na pagpatay sa enforcer ng Navotas, kinondena ni Mayor Tiangco

    KINONDENA ni Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang ginawang brutal na pagpatay sa isa sa mga traffic enforcers ng Navotas City na isa ring Philippine Navy reservist.   Sinabi ni Mayor Tiangco na nais niyang maparusahan ng batas ang mga na sa likod ng karumaldumal na krimen.   “I condemn in the […]

  • Patay sa COVID-19 sa China, nasa 2,764 na

    MAHIGIT 50 pa ang nadagdag na patay sa nakalipas na magdamag mula sa China, habang may mga nasawi rin sa Italy at Iran dahil sa coronavirus disease (COVID-19).   Dahil dito, umabot na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.   Nasa 80,996 naman ang mga nagpositibo sa virus mula […]

  • Ads July 23, 2022