• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Brutal na pagpatay sa enforcer ng Navotas, kinondena ni Mayor Tiangco

KINONDENA ni Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang ginawang brutal na pagpatay sa isa sa mga traffic enforcers ng Navotas City na isa ring Philippine Navy reservist.

 

Sinabi ni Mayor Tiangco na nais niyang maparusahan ng batas ang mga na sa likod ng karumaldumal na krimen.

 

“I condemn in the strongest possible terms the murder of Oliver Ignacio, one of the City’s traffic enforcers. I urge our law enforcement officers to capture the perpetrators soon. This senseless disregard for human life should be meted out with the punishment it deserves” pahayag ni Mayor Toby.

 

Nagpaabot din ang alkalde ng kanyang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Ignacio. Aniya, nawa’y bigyan sila ng Diyos ng lakas sa panahong ito ng kalungkutan.

 

“I am deeply saddened and en- raged by the murder of one of the City’s traffic enforcers, Oliver Ignacio” ani naman Cong. Tiangco.

 

“I pray that justice may pre- vail and served to the evildoers of this heinous and deplorable crime. I likewise extend my heart- felt condolences to the family of Mr. Ignacio and all who suffer and grieve with them” pahayag na pakikiramay ng mambabatas.

 

Si Ignacio ay sapilitang dinukot ng mga armadong lalaki na nagpanggap na mga pulis at sakay ng isang itim na Mitsubishi Monetro bandang alas-4:45 noong Huwebes ng hapon sa harap ng Navotas City Impounding Area sa C-4 Road, Brgy. BBN.

 

Dakong alas-6 kinaumagahan nang matagpuan ang pugot na ulo ng biktima na nakasilid sa styro box sa kanto ng Florentino Torres at Soler Sts. sa Sta Cruz Manila habang patuloy namang sumisigaw ng hustisya ang kanyang pamilya. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga paliparan, pantalan at terminal sa Metro Manila ininspeksiyon ng NCRPO

    PERSONAL na ininspeksyon nitong Linggo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Edgar Alan Okubo ang mga paliparan, daungan at terminal sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na mag-uuwian para sa Semana Santa. Inalam ni Okubo ang sitwasyon sa seguridad sa NAIA T3, Five Star Bus Liner, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), […]

  • Ads May 28, 2021

  • Pangulong Duterte, ipinag-utos ang pag-aresto sa mga black marketeers ng COVID-19 medicines

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga tagapagpatupad ng batas na arestuhin ang mga black marketeers ng COVID-19 medicine habang patuloy na nakikipagpambuno sa pandemya.     Sa Talk to the People, ni Pangulong Duterte, Huwebes ng gabi, sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) officer-in-charge Dr. Oscar Gutierrez na nagpalabas na sila ng […]