42 mambabatas, pinaiimbestigahan ang sunog sa MCPO
- Published on May 27, 2023
- by @peoplesbalita
NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura.
Sa House Resolution 1019, sinabi ng mga mambabatas na miyembro ng Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng kamara, na kailangang ang pagsasagawa ng imbestigasyon dala na rin sa importansiya nang pagiging heritage site nito.
Ayon kay Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, Chairman ng House Committee on Creative Industry & Performing Arts, may mga ulat na walang anumang uri ng fire suppression system o water sprinklers ang MCPO building.
“It took about 30 hours to declare fire out. Apparently, this may have been a disaster waiting to happen. We will certainly take a close look to ascertain the real timeline of events during the fire and the building maintenance and security logs,” ani De Venecia.
Nais din aniya nilang malaman kung ano pang mga lumang gusali ng gobyerno ang walang fire suppression systems, lalo na yaong bahagi na ng kasaysayan ng bansa kabilang na ang National Museum, Cultural Center of the Philippines, National Library, at University of the Philippines. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
DepEd: Late enrollees tatanggapin
SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees. “Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo. Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin. Ayon sa ahensya, […]
-
HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION
Inanunsyo ng DOH na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapagusapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga hereral ang napapakinggan kundi yung galing din sa medical experts. Importante rin ang opinyon […]
-
Jeff Goldblum Explains Grandmaster’s Role in the Upcoming MCU Sequel, ‘Thor: Love and Thunder’
JEFF Goldblum recently explained the Grandmaster’s role in the upcoming MCU sequel, Thor: Love and Thunder. The highly-anticipated film finds the titular character picking up the pieces of his life shortly after the events of Avengers: Endgame. With Thanos defeated and Asgard destroyed, Thor (Chris Hemsworth) travels with the Guardians of the Galaxy […]