Request ng mga netizen, ‘di sana romcom: Reunion movie nina SARAH at JOHN LLOYD, kasado na
- Published on May 27, 2023
- by @peoplesbalita
KASADO na nga ang balik-tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.
Kinumpirma nga ito ng Viva Artists Agency (VVA) na magkakaroon ng reunion movie ang blockbuster tandem na #AshLloyd
Sa official Instagram account ng VVA pinost nila ang photos nina Sarah at John Lloyd sa Viva office.
May caption ito na: “LOOK: Our #AshLloyd hearts (smiling face with heart-eyes and loudly crying face emoji) @justsarahgph and John Lloyd Cruz in a new movie together? YES!!!,” (movie camera and eyes emojis) kasama ang hashtag na: “#SOON.”
Unang nagkasama sina John Lloyd and Sarah sa “A Very Special Love” (2008), na nasundan ng “You Changed My Life” (2009), at “It Takes a Man and a Woman” (2013), para ipagpatuloy ang kuwento nina Miggy at Laida.
After 4 years, muli silang nagkasama sa 2017 movie na “Finally Found Someone.”
Marami naman ang kinilig at natuwa sa grabe pasabog na ito ng VAA, na mukhang mauunahan pa ang reunion movie nina JL at Bea Alonzo.
May nag-request na sana ay hindi na romcom movie, dahil sawa na sila. Puwede raw heavy drama, horror or suspense.
Sa rami nang na-excite na reunion project, mukhang na-miss na talaga nang marami ang tambalang John Lloyd at Sarah. Na ngayon pa lang ay inaasahan na magiging blockbuster din tulad nga mga past movies nila.
***
NAGING usap-usapan nga ang paglabas ng campaign poster ni Dingdong Dantes sa digital billboard ng famous Times Square sa New York City.
Ang Kapuso actor-TV host ang first Filipino endorser of Italian eyewear brand Police, na una niyang in-announce sa kanyang IG post. Next month pupunta raw siya ng Japan para sa 40th year ng Police and hopefully ma-meet niya ang other global endorsers.
Malapit na rin ang pagbabalik niya sa pag-arte via GMA primetime series na ‘Royal Blood’ na ididirek ni Dominic Zapata.
Excited na nga si Dingdong na muling makasama sina Tirso Cruz III, Benjie Paras, Arthur Solinap, Dion Ignacio, Mikael Daez at Megan Young.
Kuwento pa niya, “I’ve had the pleasure of working with almost all of the cast, staff and executives over the past 25 years. And now I’m thrilled to collaborate with the incredible talents of Lianne (Valentin) and Rabiya (Mateo) for the first time.
“It’s a juicy family drama that will have you on the edge of your seat, guessing whodunit until the very end — think Knives Out (or Widow’s Web) — but with a regal twist.”
(ROHN ROMULO)
-
Transport advocacy group, nanawagan sa Marcos admin na resolbahin ang problema sa transportasyon sa bansa
NANAWAGAN ang isang transpory advocacy group sa Marcos administration na resolbahin ang mga balakid sa transportasyon sa bansa na nagdudulot ng stress sa mga manggagawang commuters na nahihirapan sa pagsakay para makapasok sakanilang mga trabaho at pauwi ng bahay sa araw-araw. Iginiit ni Passenger Forum Convener Primo Morillo na kailangan ng long-term […]
-
Pinas, igigiit ang lahat ng karapatan laban sa bagong batas ng China
IGIGIIT ng Pilipinas ang lahat ng karapatan nito patunay sa diplomatic protest na inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa bagong batas ng China na nag-uutos sa kanilang Coast Guard na maaaring gumamit na ng dahas o armas laban sa mga dayuhang barko na pupunta sa kanila teritoryo sa South China Sea. […]
-
Bulacan, pinaigting ang iwas disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon
LUNGSOD NG MALOLOS – Muling pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang kampanya para maiwasan ang disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon. Ani Fernando, may inilinyang gawain ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) […]