PLASTIC CRISIS TINALAKAY NG UN SA FRANCE, QC MAYOR BELMONTE KUMATAWAN SA MGA CITY MAYORS AND LEADERS
- Published on June 1, 2023
- by @peoplesbalita
KINATAWAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mayor at city leaders sa buong mundo sa isinagawang high-level event ng United Nations Treaty on Plastic Pollution sa Paris, France na pinangasiwaan ng French Government at United Nations Environment Programme.
Sinabi ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga lungsod at komunidad upang mas mapabuti ang Plastic Treaty na tutugon sa problema ng plastic pollution sa buong mundo.
Ayon sa alkalde, direktang apektado ang mga lungsod ng plastic crisis kaya kailangan nito ng suporta mula sa mga national leader.
Inihayag din ni Belmonte ang mga programa ng Quezon City sa plastic waste reduction gaya ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics sa mga pamilihan sa QC, pagbabawal ng single-use containers at sachets sa mga hotel, at ang Trash to Cashback program na nagbibigay ng insentibo sa mga residente na mag-iipon at magdadala ng recyclable plastics sa designated areas.
Kasama ni Mayor Joy sa panel ng pagtitipon sina French Minister for Europe, and Foreign Affairs Catherine Colonna, French Minister for Ecological Transition and Territorial Cohesion of France Christophe Béchu, United Nations Environment Programme Executive Director Inger Andersen, Marine Biology Professor of University of Plymouth Prof. Richard Thompson, Ellen MacArthur Foundation Executive Head for Plastics and Finance program Rob Opsomer, World Wide Fund for Nature International Correspondent Marco Lambertini, at ang kinatawan ng mga kabataan na si Zuhair Ahmed Kowshik.
Ang pulong ay dinaluhan ng mga leader mula sa ibat-ibang bansa, at mga kinatawan ng mga international organization kabilang ang United Nations Environment Programme (UNEP), International Council for Local Environmental Initiatives (ICLEI), Ellen McArthur Foundation, Bloomberg Philanthropies, WWF, World Economic Forum (WEF), United Nations Development Programme (UNDP) and UN Habitat. (PAUL JOHN REYES)
-
Private firms, puwede nang umangkat at bumili ng sarili nitong Covid-19 vaccine
MAAARI nang umangkat at bumili ng Covid-19 vaccines ang mga private firms kahit pa gaano ito karami. Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na lagdaan na ang anuman at lahat ng dokumento na naglalayong payagan ang private sector […]
-
Olympics medalists may cash incentives HINDI mababalewala ang lahat ng hirap at sakripisyo ng 22 miyembro ng Team Philippines na tatarget ng gold medal sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 10699 o ang The National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang isang Olympic gold medalist ay tatanggap ng P10 milyon bilang cash incentive. Hindi rin mawawalan ang mananalo ng silver at bronze medal dahil bibigyan sila ng P5 milyon at P2 milyong bonus, […]
-
COVID tests sa mga players, refs pinadadagdagan ng NBA
Inabisuhan ngayon ng NBA ang 28 mga NBA cities na magpatupad ng dagdag na COVID tests matapos na magpositibo ang 16 na mga players. Sa pinaikot na memo ng liga, hiniling sa mga teams na humanap din ng local testing centers kung saan gaganapin ang mga laro. Hangad ng NBA na makahanap ang […]