COVID tests sa mga players, refs pinadadagdagan ng NBA
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
Inabisuhan ngayon ng NBA ang 28 mga NBA cities na magpatupad ng dagdag na COVID tests matapos na magpositibo ang 16 na mga players.
Sa pinaikot na memo ng liga, hiniling sa mga teams na humanap din ng local testing centers kung saan gaganapin ang mga laro.
Hangad ng NBA na makahanap ang mga team ng local testing providers sa loob ng dalawang araw.
Dapat din daw ang local provider ay merong polymerase chain reaction (PCR) tests na kayang makapag-test ng 40 mga players, staff at referees at makapagbigay ng results, isang oras bago ang laro.
Batay sa umiiral na patakaran ngayon, dapat ang isang player ay negatibo sa PCR test isang araw bago ang laro, at negative din sa rapid test sa umaga ng araw ng laro.
Sa ngayon nasa siyam na games na ang kinansela ng NBA dahil sa pag-quarantine sa ilang mga players.
-
Bolts hinubaran ng titulo ang SMbeer
Matapos ang limang sunod na taon ay magkakaroon na ng bagong hari sa PBA Philippine Cup. Pinatalsik ng No. 5 Meralco ang No. 4 at nagdedepensang San Miguel, 90-68, sa kanilang ‘do-or-die’ game para umabante sa semifinal round kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga. “We know that we’re a deep […]
-
Inaming may insecurity na pilit niyang itinatago: BEAUTY, nakararanas pa rin ng anxiety na nauuwi sa panic attacks
INAMIN ni Beauty Gonzalez sa isang vlog na meron siyang insecurity sa kanyang sarili na pilit niyang itinatago sa maraming tao. Kung inakala raw ng marami na confident siya sa lahat ng bagay, hindi raw totoo iyon dahil madalas daw siyang makaranas ng anxiety na nauuwi sa pagkakaroon ng panic attacks. […]
-
Gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo malabo para sa Asian Games SEAG
MALABONG maipagtanggol ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang kanyang mga titulo sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia, maging sa pagsabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong taon dulot ng mga nakatakdang lahukang kwalipikasyon para sa 2024 Paris Olympics. Isiniwalat ni head coach Julius Naranjo […]