• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mass wedding, pinapayagan na ngayong pandemic – DILG

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring magsagawa ng mass wedding kahit nasa gitna pa ng pandemic ang bansa.

 

Kailangan lamang daw siguraduhin ng mga local government units (LGUs) na nasusunod pa rin ang mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.

 

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na papayagan ang mass wedding basta 30 porsiyento lamang ng venue capacity ang bilang ng mga dadalo upang siguruhin na masusunod pa rin ang physical distancing.

 

Pagsusuotin naman ng face mask at face shield ang groom at bride.

 

Sa lungsod ng Makati ay may ikinasal na si Makati City Mayor Abby Binay na tinaguriang “mask wedding.”

 

Inilinsad noong Hulyo ang naturang programa upang patunayan na walang pandemya ang makakaharang sa pagpapakasal ng mga nagmamahalan.

 

Ayon sa alkalde, talagang pinag-isipan nila ang pagsasagawa ng outdoor wedding para ma-accomodate pa rin ang lahat ng mga humihiling na sila ay maikasal.

 

Halos 200 magsing-irog na ang ikinasal dahil sa naturang programa ng lungsod.

 

Other News
  • Halos 100-K indibidwal isinailalim sa pre-emptive evacuation sa ‘Bagyong Odette’ – NDRRMC

    Nasa 26,430 pamilya o 98,091 indibidwal na ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong “Odette” mula sa apat na rehiyon.     Ayon kay NDRRMC Operations Center Chief Jomar Perez, pinakamarami sa mga ito ay ang mula sa CARAGA region na bumibilang ng mahigit 78,000 kasunod ang Region 8 na nasa mahigit 17,000; Region […]

  • Mangrobang balik karera

    INAASIKASO ngayon ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tomas Carrasco Jr. ang mga badyet at papeles para sa Portugal training camp ni three-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Marion Kim Mangrobang.     Puntirya ng samahan na makahabol pa sa world qualifying races ang 29 na taon at taga-Laguna na triathlete […]

  • Ads October 8, 2024