Desisyon na ng bawat isa kung sasama o maiiwan: TITO, VIC at JOEY, nagpaalam na sa Tape Inc. at sa Dabarkads
- Published on June 1, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAALAM na ang Eat Bulaga!
Ayon kay Tito Sotto, pumasok daw silang lahat, pero hindi raw sila pinayagan ng new management na mag-live. Pero sa kalagitnaan ng show, pumasok ang tatlo ng live.
Nagpasalamat sila sa lahat ng mga tumangkilik daw sa kanila mula noong July 30, 1979, kaya 44 years na sila sa taong ito, ayon naman kay Joey de Leon. Kaya lubos ang pasasalamat nila sa RPN-9, ABS-CBN-2 at GMA-7.
At saka sinabi ni Vic Sotto na, “Simula po ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE Incorporated.”
“Karangalan po namin na kami’y nakapaghatid ng tuwa’t-saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay niyo.
“Maraming salamat po sa inyon lahat. Hanggang sa muli… Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”
Ang naisip namin ay ang bagong dabarkads na si Carren Eistrup. Bilang winner siya ng contest, kung sakali at magkakalipatan at magtutuloy-tuloy naman ang TAPE sa GMA-7 sa noontime show pa rin bilang meron silang kontrata sa network hanggang sa December ng taong ito, ano ang mangyayari sa kanya?
So ‘eto na, wala palang kontrata ang mga host. At kahit si Carren na winner, hindi rin ito naka-bound sa any written contract. Talagang ang pinanhahawakan lang ay loyalty at word of honor.
Base sa nakausap namin like in the case of Carren, wala raw itong alam talaga sa mga nangyayari at magaganap. Trabaho lang daw ito at kung ano ang kailangan niyang gawin.
Kaya siguro kung sakali at magkakalipatan, desisyon na ng bawat isa kung sasama sa aalis o maiiwan sa TAPE at sa GMA-7.
***
BREAK na nga ba sina Liza Soberano at Enrique Gil?
Nagti-trending ang LizQuen at si Ogie Diaz dahil rebelasyon ng huli na diumano’y may nagsabi sa kanya na break na ang dalawa. At nanghihinayang daw siya kung totoo dahil halos 8 years din daw ang relasyon ng mga ito.
Dahil dito, maraming netizens ang bina-bash si Ogie. Hindi raw proper na siya ang nagbabalita kung totoo man bilang ex-manager ni Liza. At bakit daw hindi hayaan ang dalawa ang mag-announce totoo man o hindi.
Sa iba naman, hindi na sila nagugulat.
Una, sa mga sunod-sunod na desisyon daw kasi ni Liza sa career niya, hindi na nakapagtataka na makikipag-break din ito kay Enrique.
So, abangan natin kung ano nga ang katotohanan.
(ROSE GARCIA)
-
LeBron wish ang injury free season para umabot ang Lakers sa playoffs
PANANATILIHIN at uunahin daw ni Lakers superstar LeBron James ang kanyang pangangatawan na injury free habang siya ay naghahanda para sa darating na 20th season ng National Basketball Association (NBA). Ang 37-anyos na player ay muling mangunguna sa bagong kampanya ng Lakers na makarating sa play-offs matapos na mabigo noong nakaraang taon ang […]
-
HALOS 2 MILYONG HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE
TINATAYANG halos P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasasam sa pagkakaaresto ng tatlong katao kabilang ang nominee ng isang party List at isang menor de edad sa isang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Asrap Kamad Kasan Datu (ASRAP) , Nominee Partylist […]
-
Isko-Sara tandem sa 2022 lumutang
UMANI ng negatibong komento sa social media ang lumutang na Isko-Sara tandem sa 2022 election. Pakiramdam ng kanyang mga taga-suporta “pinagtaksilan” umano sila ni Manila Mayor Isko Moreno dahil tila tinalikuran umano nito ang kanyang running-mate na si Doc Willie Ong. “Si Yorme nanonolongges na. Hindi na alam kung saan kukuha […]