JBIC, hangad ang partnership sa energy sector ng Pinas, nagpahayag ng interest sa Maharlika fund
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
HANGAD ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na makatuwang ang mga kompanya ng Pilipinas pagdating sa energy development .
Nagpahayag din ang JBIC ng interest sa newly-passed Maharlika Investment Fund (MIF).
Nagpahayag ng interest ang JBIC para sa energy tie-ups sa kompanya ng Pilipinas sa isinagawang courtesy call ni JBIC Chairman of the Board Tadashi Maeda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang.
Tinuran ni Maeda, interesado silang tugunan ang papel ng liquified natural gas (LNG) bilang traditional source of power sa Pilipinas at ang pangangailangan na Philippines at bitbitin ang iba pang energy sources gaya ng “hydropower, solar, at wind.”
“We have the potential…between Japan and the Philippines to work together,” anito sabay sabing “For example, I already had a meeting with Aboitiz Chairman Sabin and I proposed to him to have an MOU… and to Metro Pacific, and also to San Miguel.”
Aniya pa, may pangangailangan na i-identify ang specific project at idetermina kung paano lilipat sa mas episyenteng enerhya, at maging ang development ng bagong teknolohiya gaya ng hydrogen.
Binati rin ng mga opisyal ng JBIC ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-apruba sa panukalang sovereign wealth fund law ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Tinuran naman ng Pangulo na ito ang mga uri ng investments na kailangan ng bansa dahilan kung bakit ginawa o nilikha ang pondo.
“It’s so that we, the Philippines, can participate in what would be, what is regarded, of course, as an investment for us. It is a necessary infrastructure that we are investing in,” ayon sa Pangulo.
“So, that is the plan for the sovereign fund. We now have to go and look at the design or the structuring of the fund. But it is basically seen as our government participation in projects that, mostly, it will really be in the Philippines,”ayon pa rin sa Punong Ehekutibo.
Sinabi naman ni Maeda na nais ng JBIC ang iba pang detalye ukol sa potensiyal ng bansa, targeted projects, at iyong nananatili sa pipeline, “so it could make more tangible, specific proposals to upgrade the value of the strategic cooperation.”
Ang JBIC ay isang policy-based financial institution wholly-owned na pag-aari ng Japanese government, “with a role of contributing to the sound development of Japan, the international economy, and society, covering various fields.”
Ang pangunahing operational principle ng bangko ay “to supplement the financial transactions implemented by private financial institutions.”
Matatandaang, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Maeda sa Tokyo noong magsagawa ng kanyang official ang una sa Japan nito lamang buwan ng Pebrero. (Daris Jose)
-
PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting
PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpaalam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo. Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at […]
-
DSWD at DILG inatasan ni PDU30 na pangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda sa 1 LGU
INALIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang Local Government Unit (LGU) ang pamamahagi ng cash aid sa nasasakupan nito dahil sa kakulangan sa organisasyon. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Govenment (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) […]
-
NORA, pasok sa list ng ‘Most Awarded Musicians of All Time’ na kung saan Number 1 si MICHAEL JACKSON
NAKATUTUWA namang malaman na ang aming idol na si Ms. Nora Aunor ay pasok sa listahan ng Most Awarded Musicians of All Time. Nasa number 26 sa listahan ang nag-iisang Superstar. Ang iba pang singer na may dugong Pinoy na pasok sa listahan ay sina Bruno Mars who ranked 35th at si Enrique Iglesias […]