• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.

 

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.

 

 

Sinabi ng Manahan na si Kim ay kararating lamang sakay ng Cebu Pacific galing Ho Chi Minh, Vietnam nang naaresto ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) sa airport.

 

 

Inalerto ng mga Immigration supervisors  ang mga ahente ng BCIU nang nakitang nakarehistro  sa Interpol database ang pangalan ni Kim. Dahilan upang ipag-utos ni Tansingco ang agarang deportation proceeding laban kay Kim.

 

 

Sa impormasyon mula sa Interpol’s national central bureau (NCB)  sa  Manila, si Kim ay nakasuhan na at  wanted sa Korea  dahil sa fraud, inflicting physical injuries at drunken driving.

 

 

Bukod pa dito, si Kim ay nanloko sa kanyang mga kababayan at hinikayat na mag-invest sa kanyang 30 million won o US$23,000 at babalik nito sa halagang 100 million won sa loob lamang ng tatlong buwan subalit ibinulsa nito ang pera.

 

 

Kim claimed that he would invest the funds in the casino business but he reneged on his promise and instead pocketed the money which the victim deposited in his bank account.

 

 

Nabatid pa na nagpakita rin si Kim ng isang Korean passport gayuman, naka-report sa Interpol na nawala at  ninakaw ang nasabing travel document. GENE ADSUARA

Other News
  • From ‘dad bod’ hot na naman sa six pack abs: PAULO, maraming napahanga sa laki ng transformation ng katawan

    ANG galing ni Paulo Avelino dahil ang laki ng transformation ng katawan niya.   Kitang-kita ang malaking kaibahan ng katawan niya noong ginagawa pa lang niya ang hit serye nila ni Kim Chiu, ang ‘Linlang.’ Walang hindi magsasabi na “beer bod” o “dad bod” ang buong ningning na nakita kay Paulo do’n.   At makikita […]

  • ‘Casino, karera ng kabayo, sabong, bawal pa rin sa Alert Level 2’

    Bagamat marami na ang mga establisyemento at serbisyo ang pinapayagan sa pagluluwag sa Metro Manila at karatig na lugar sa ilalim ng Alert Level 2, may ilang pa rin sa mga ito ang mahigpit pa ring ipinagbabawal.     Batay sa panuntunan ng IATF bawal pa rin ang pagbubukas ng mga casino, karera ng kabayo, […]

  • Ads October 2, 2023