• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

From ‘dad bod’ hot na naman sa six pack abs: PAULO, maraming napahanga sa laki ng transformation ng katawan

ANG galing ni Paulo Avelino dahil ang laki ng transformation ng katawan niya.

 

Kitang-kita ang malaking kaibahan ng katawan niya noong ginagawa pa lang niya ang hit serye nila ni Kim Chiu, ang ‘Linlang.’ Walang hindi magsasabi na “beer bod” o “dad bod” ang buong ningning na nakita kay Paulo do’n.

 

At makikita pa rin dahil ipalalabas na ito sa free TV.

 

Pero bago pa mapanood sa free TV at baka may manlait pa kay Paulo at sabihin na ang taba niya, inunahan na niya at ipinakita ang before and now photos niya.

 

Aba naman, hot na hot at may six pack abs na si Paulo! Timing na timing para sa bagong sisimulan na Korean drama adaptation, ang ‘What’s Wrong With Secretary Kim.’

 

Dahil sa post na ito ni Paulo, inulan ng mga comments ang kanyang Instagram. Maging ang mga kapwa artista niya ay napahanga sa sexy body niya ngayon.

 

***

 

SA halip na negatibo ang maging impact sa mga netizen, marami ang natuwa, hindi dahil sa na-sprain ang paa ni Iwa Moto, natuwa dahil sa nakikita nilang relasyon meron sina Iwa at ang anak nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson na si Thirdy Lacson.

 

At kung gaano rin ka-close sina Iwa at Jodi.

 

Noong New Year’s eve, sama-sama silang lahat sa imbitasyon ni Jodi. At na-capture sa ipinost na video ni Iwa sa kanyang Instagram na hindi nagpatalo sa kanya sa naging laro nila si Thirdy. Pero ‘yun lang, natapilok at na-sprain ang isang paa ni Iwa.

 

Halatang masaya pa rin naman ito sa caption niya na, “Patunay na ang anak namin ay walang sinasanto pagdating sa games. Madaya ka anak @iamthirds. @jodistamaria and @iampampi dati ako lagi panalo sa games,” at saka niya sinundan ng mga laugh emojis.

 

Kahit si Jodi, nagpapasalamat din ito sa klase ng relasyon na nabuo sa kanila ng anak at sa bagong pamilya ni Pampi at Iwa.

 

Sa naging post niya noon Christmas eve at birthday ni Thirdy na magkakasama silang lahat sa isang photo, sinabi niya na, “We are blended not broken.

 

“God has created something beautiful out of brokenness.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • PBA hihirit na magkaroon na ng live audience sa mga laro

    Umaasa ang Philippine Basketball Association (PBA) na makakabalik na sa normal set-up ang 2021 PBA Governor’s Cup.     Nakatakda kasing magsimula ang second conference sa ikatlo o huling linggo ngayong buwan na mayroong mga imports.     Noong nakaraang taon kasi ay nagsagawa lamang ang liga ng All-Filipino Conference dahil sa COVID-19 pandemic.   […]

  • Philhealth, kailangang ayusin ang serbisyo sa mga miyembro-PBBM

    KAILANGANG ayusin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang serbisyo sa mga miyembro nito sa oras na maipatupad na ang premium hike.     Iyon ay sa kabila ng hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang adjustment sa premium rates ng PhilHealth.     Aniya, nais niyang makita na tumaas […]

  • Ads April 13, 2022