• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maharlika Fund lusot na sa Senado

LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukala para sa pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Sa botong 19-2-1, ipinasa ng Senado ang Se­nate Bill No. 2020 o Maharlika Investment Fund Act of 2023.

 

 

Sina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Sen. Risa Hontiveros ang bumoto kontra sa panukala habang nag-abstain si Sen. Nancy Binay.

 

 

Wala naman sa gina­nap na botohan sa plenaryo na inabot ng madaling araw sina Pimentel, Senators Chiz Escudero at Imee Marcos.

 

 

Sa bersyon ng Senado, ipagbabawal na mag-invest sa MIF ang SSS, GSIS, PhilHealth, Pag-IBIG, OWWA at Philippine Veterans Affairs Office.

 

 

Bagama’t noong una ay inalis na sa Senate Bill 2020 ang probisyon sa paggamit ng pondo ng GSIS at SSS, malinaw namang nakasaad sa Section 12 ng panukala na maaari pa ring mamuhunan ang mga GFIs at GOCCs sa MIF lalo na kung ito ay aaprubahan ng kanilang board.

 

 

Nagmosyon naman sina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa, Raffy Tulfo at Pia Cayetano na am­yendahan at magsingit ng probisyon na titiyak na hindi magagalaw ang pension funds ng government at private sector employees.

 

 

Iginiit naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na tanggalin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dividends bilang source ng pondo sa unang dalawang taon ng MIF, pero ibinasura ito ni Sen. Mark Villar.

 

 

Tinanggap naman ni Villar ang panukala ni Hontiveros na idiskuwalipika sa MIF Board of Directors ang sinumang may nakabinbing kaso na may kinalaman sa fraud, plunder, corrupt practices, money laundering, tax evasion at iba pa.

 

 

Kasunod nito, inadopt na ng Kamara sa bicame­ral conference committee meeting ang bersyon ng Senado sa MIF Bill. Tuma-gal lamang ng 20 minuto ang ginanap na pulong ng bicam sa Manila Golf & Country Club sa Makati.

 

 

Kapag naratipikahan na ay diretso na ito sa tanggapan ng Pangulo para malagdaan. (Daris Jose)

Other News
  • Halos P.4M droga, nasamsam sa Caloocan drug bust, 2 timbog

    HALOS P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang na-rescue na isang menor-de-edad na lalaki sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Chief P/Lt. Restie Mables, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y iligal drug activities […]

  • PBBM, nakukulangan sa mga benepisyo ng mga nars sa bansa

    NAKUKULANGAN  si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nurses o nars sa bansa lalo pa’t iba ang ibinibigay na serbisyo at sakripisyo ng mga ito matiyak lamang ang kaligtasan ng publiko.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association, sinabi ni Pangulong Marcos […]

  • ISANG MILYONG PISO, NATANGAY SA ISANG JEWELRY SHOP SA MAYNILA

    TINATAYANG   isang milyong piso ang natangay sa isang kabubukas lamang  na jewelry shop ng hinihinalang tatlong suspek Miyerkules ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.   Ayon sa may-ari ng Dulo’s jewelry  na si Dulo Cai ,  isang Filipino-Chinese na kabubukas lamang niya ng kanilang store  na matatagpuan sa Recto Avenue  sa pagitan  Torres St at […]