COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagbaba ng COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila batay sa latest data ng OCTA Research Group.
Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 makaraang masuri sa virus.
Batay sa inilabas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nitong May 28 ay bumaba sa 2.2% ang positivity rate sa Metro Manila mula sa 25.2% noong May 21.
Maging ang reproduction number o bilis ng hawaan sa rehiyon ay bumaba rin sa 0.97 nitong May 26 data.
Gayunman, naitala naman ng OCTA Research ang bahagyang pagtaas sa hospital occupancy rate na nasa 29.1% nitong May 28.
-
CONTAINER VAN, GAGAWING ISOLATION FACILITIES SA NAVOTAS
MINAMADALI na ng mga manggagawa ang pagsasa-ayos ng 30 40-footer container van na nasa loob ng Centennial Park sa Navotas City upang magsilbing karagdagang isolation facilities na ilalaan sa mga may mild cases ng COVID-19 sa lungsod. Una na kasing iniulat ng City Health Deparment kay Mayor Toby Tiangco na puno na ang dalawa […]
-
Toll fee sa Cavitex libre buong Hulyo –PBBM
ISANG buwan na libreng toll fee ang alok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga motorista na dadaan sa Cavitex simula sa Hulyo. Ginawa ng Pangulo ang anunsiyo sa groundbreaking ng Cavitex-Calax link at Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng pagbubukas ng Cavitex C5 link Sucat interchange. Ito […]
-
Teaser ng horror film ni JULIA, pinusuan at kinatakutan ng netizens; ANGELI, muling magpapa-init sa pagpapa-silip ng alindog
INI-RELEASE na ang official teaser ng horror film na ‘Bahay Na Pula’ na pinagbibidahan ni Julia Barreto, kasama sina Xian Lim, at Marco Gumabao na mula sa Viva Films at Center Stage Productions. Mula ito sa award-winning director na si Brillante Mendoza at sa teaser ay marami na ang nagandahan at ‘yun iba […]