• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CONTAINER VAN, GAGAWING ISOLATION FACILITIES SA NAVOTAS

MINAMADALI na ng mga manggagawa ang pagsasa-ayos ng 30 40-footer container van na nasa loob ng Centennial Park sa Navotas City upang magsilbing karagdagang isolation facilities na ilalaan sa mga may mild cases ng COVID-19 sa lungsod.

 

Una na kasing iniulat ng City Health Deparment kay Mayor Toby Tiangco na puno na ang dalawa nilang community isolation facilities sa Navotas National High School at Navotas Polytechnic College na parehong may tig-210 beds matapos lumobo ng husto ang bilang ng mga na residenteng nagpo-positibo sa COVID-19.

 

Bagama’t tumugon naman ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa paghingi ng ayuda ni Mayor Tiangco makaraang mabigyan ng 200 slots sa dalawang isolation facilities ng pambansang pamalaan sa Philippine Arena at World Trade Center, hindi mapigilan ng alkalde ang mahabag sa kanyang mga kababayan na mapalayo sa kanilang lungsod habang nagpapagaling ng karamdaman sa naturang mga isolation facilities.

 

Dahil malapit ng matapos ang inaapurang paglalagay ng karagdagang isolation facilities sa loob ng Centennial Park, hindi na kinakailangang ilabas pa ng lungsod ang mga Navotenos na magpopositibo sa virus at sa mga container van na ginawang isolation facility na muna sila mananatili habang nagpapagaling.

 

Malaki naman ang paniniwala ng bawa’t pamilyang Navoteno na hindi pababayaan ng alkalde at ng kanilang kongresistang si Rep. John Rey Tiangco ang kaligtasan at kapakanan ng mga residenteng tinatamaan ng sakit kaya’t inaayos na mabuti ang mga container van upang gawing isolation facility.

 

Bagama’t hindi maalis ang pangamba ng marami na mainit sa loob ng van, batid nila na magiging katuwang ni Mayor Toby ang kapatid na si Rep, John Rey Tiangco para tiyaking malagyan ng air condition ang bawa’t pasilidad upang maging komportable kahit paano ang mga tinatamaan ng nakamamatay na virus. (Richard Mesa)

Other News
  • GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan

    WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus.     Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot […]

  • P3-B budget, inilaan para sa fuel subsidy ngayong taon- Malakanyang

    NAGLAAN ang pamahalaan ng P3 bilyong pisong budget para sa fuel subsidy sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.     Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong big-time price hike para sa pitong sunod-sunod na linggo […]

  • Saso, Ardina target ang Olympics berth

    MAY apat na Pilipinong golfer ang kumakatok sa mga pinaglalabang tig-60 silya para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 men’s and women’s golf sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.   Sila ay sina Yuka Saso, Dottie Ardina, Miguel Luis Tabuena at Angelo Que na pawang mga professional golfer.   Umakyat na si Tabuena sa […]