• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 INDIBIDWAL , HULI SA QUARRYING

ARESTADO  ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal na iniulat na sangkot sa illegal quarrying operations sa Barangay San Isidro sa Angono, Rizal.

 

 

Kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina  Bonbon E. Camanian, Marcial R. Bustamante, Jomar T. Marigondon, Ricky B. Buenaventura, Rustian S. Villamora, Richard S. Evangelista, at Rodel O. Pangilinan.

 

 

Ayon sa NBI, nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na natanggap ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) na ilang indibidwal ang kumukuha at nagtatapon  ng mga mineral sa Barangay San Isidro nang walang kinakailangang permit at clearance mula sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ng Lalawigan ng Rizal at ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) Region IV-A.

 

 

“NBI-EnCD immediately conducted a series of surveillance operations which confirmed the quarrying activities in the target area,” ayon pa sa NBI.

 

 

Kinasuhan ng paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 ang mga suspek sa Rizal provincial prosecutors office. GENE ADSUARA

Other News
  • Reyes suportado si Leni Robredo bilang pangulo

    NAKAKUHA  ng suporta si Vice President Leni Robredo sa isa pang coach ng Philippine Basketball Association sa katauhan ni Gilas Pilipinas mentor at five-time PBA Coach of the Year Chot Reyes.     Kilala sa paggamit ng terminong “Puso” sa kampanya ng national team sa iba’t ibang international tournament, iginiit ni Reyes sa isang pahayag […]

  • FROM KARATE CHAMPION TO SUPER HERO: “COBRA KAI” STANDOUT XOLO MARIDUEÑA PLAYS HIS DREAM ROLE IN “BLUE BEETLE”

    “IT’S a dream, surreal is really the only word I can use for it,” says Xolo Maridueña, who plays Jaime Reyes / Blue Beetle in the all-new Super Hero movie from Warner Bros. Pictures, “Blue Beetle.”         “For as long as I can remember, Jaime Reyes is the biggest Latin Super Hero in […]

  • Pangako ng DepEd, lagyan ng ‘pananggalang” ang batas na magbabalik sa mandatory ROTC

    NANGAKO ang Department of Education (DepEd)  na makikipagtulungan sa Kongreso na hindi mangyayari ang bullying sakali at maipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).     Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, suportado ng departamento ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.   na buhayin ang programa subalit nilinaw na ang gagawing pagbabalik sa ROTC […]