Martin and Pops, ‘nagkabalikan’ sa eXes & whYs
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
Proud parents sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa anak nilang si Robin Nievera na direktor na nila ngayon sa kanilang bagong show sa Cignal TV para sa Colours.
Swak na swak pa ang title na eXes & whYs with Pops and Martin na magsisimula na sa Sabado, December 19 ng alas-nuwebe ng gabi.
Sa totoo lang, wala pang napanood si Robin na kahit isang episode ng programang Penthouse Live ng kanyang magulang, pero sabi niya mala-ganundin daw ang tipo ng show pero siyempre, ang laki na ng kaibahan ngayon sa panahon ng digital at social media.
Sabi naman ng musical director nilang si Louie Ocampo, parang behind the scenes daw ang mapapanood sa bagong programang ito. Halos wala na ngang script dahil sa sobrang komportable na ng dating mag-asawa sa isa’t isa.
Pero kahit kayang-kaya nang dalhin nina Martin at Pops ang buong show, ipinaubaya pa rin niya kay Robin ang lahat. Kaya nga ang anak daw nila ang boss sa buong show, na hindi naman matanggap ng kanilang anak.
“I think Robin hit the nail on the head because he knows both of us so well, that he allows us to be who we are and then bahala na siya sa editing…bahala na siya dun,” pahayag ni Martin.
Bukod sa eXes & whYs tuwing Sabado ng gabi, every Sunday naman ay kasama rin si Robin sa programa nila ni Louie Ocampo na pinamagatang Louie O Live.
Pareho silang musicians, magkakaiba lang ng tunog at atake bilang nasa huling heneras yon naman si Robin.
Pero sabi nga ni Robin, very organic lang daw ang show nila ni Louie na magbibigay daan din sa iba pang mga bago at nagsisimula ring mga musicians. “We’re both composers. We’re both musicians. It’s a very different levels of that industry but we wanted to take everyone in between us…the experience, the brand new, the up and coming.
“We all wanted to take the platform for them and show what musicians can really do with very little…you know what I mean,” saad pa ni Robin.
Mapapanood ang mga bagong programang ito sa Colours na available sa Cignal TV CH, 202 HD at CH 60 SD. Sa mga hindi pa subscriber ng Cignal, puwede kayong kumontak sa telepono 88885555, 09499977600 to 7603 o sa sales@cignaltv.
-
Listahan ng holidays sa 2023, inilabas ng Malacañang
INILABAS ng Malacañang ang listahan ng mga regular holidays at special non-working days para sa 2023. Ang listahan ay nakapaloob sa Proclamation 42 na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes. Ang mga sumusunod na araw ay idineklara bilang regular holiday at espesyal na araw para sa 2023: […]
-
Riding-in-tandem arestado sa pagwawala at pagpalag sa pulis
ARESTADO ang isang rider at angkas niyang bebot matapos magwala at pumalag sa mga pulis makaraang hindi pansinin ang isinagawang Oplan Sita habang sakay sa isang motorsiklo sa Malabon city. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naaresto na si Christopher Garcia, 40 ng Legarda St. Sampaloc Manila at Melani […]
-
250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27
Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27. Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor. Bukod dito, darating din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at […]