• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARTA award, nasungkit ng Navotas at Valenzuela

NASUNGKIT ng Navotas at Valenzuela Cities ang Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Award mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para sa kanilang good governance at exemplary service.

 

 

Tinanggap ni Navotas Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez, at Valenzuela Mayor Wes Gtachalian, kasama si Business Permits and Licensing Office Head Atty. Ulysses Gallego ang parangal mula kina Secretary Ernesto Perez at Undersecretary Gerald Divinagracia sa pagdiriwang ng ikalimang anibersaryo ng ARTA sa The Manila Hotel.

 

 

“This recognition is the outcome of the collaborative efforts of all city government offices.  We especially commend our electronic Business One-Stop-Shop (eBOSS) and Information and Communications Technology Office staff for continuously developing our digital system and simplifying all processes for Navoteño taxpayers,” sabi ni Tiangco.

 

 

Pinuri ang Navotas sa buong pagsunod nito sa Ease of Doing Business at Efficient Government Service Delivery Act of 2018 partikular sa pagpapatupad ng eBOSS.

 

 

Sa pamamagitan ng pasilidad ng eBOSS ng lungsod, ang mga Navoteñong negosyante ay maaaring mag-apply, mag-renew, at magbayad para sa kanilang mga permit sa loob ng kanilang sariling mga opisina.

 

 

Noong nakaraang Marso, nakatanggap din ang Navotas ng sertipikasyon mula sa ARTA para sa pagiging isa sa anim na LGU sa Metro Manila na may mahusay, sistematiko, at fully-operational na eBOSS.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Mayor Gatchalian na ito ang unang ARISE awards na nakamit ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

 

Ang ARISE Awards ay nagsisilbing komprehensibong pagkilala para sa parehong national government agencies (NGAs) at local government units (LGUs) bilang pagkilala sa kanilang mga pagsisikap na mapahusay ang bureaucratic efficiency sa bansa.

 

 

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga ahensya ng gobyerno na makibahagi sa apat na kategorya ng ARISE Awards, ito ay: Compliance sa EBOSS para sa mga LGU o Digitalization of Services Award para sa mga NGA, Adherence to the Philippine Good Regulatory Principles Award, Nakamit sa Report Card Survey 2.0 Award, at Philippine Ease of Doing Business Reporting System Award.

 

 

Kilala sa reputasyon nito bilang business-friendly city, kinilala ang Valenzuela City bilang isa sa walong LGU sa bansa na matagumpay na nakatupad sa mga kinakailangan ng ARISE Award sa lahat ng apat na kategorya.

 

 

“With this award in hand, the City Government of Valenzuela will continue its mission towards its goal of creating a business-friendly and corruption-free environment for all the business entities in the city”, ani Gatchalian. (Richard Mesa)

Other News
  • PROBLEMA NG TRANSPORT SECTOR PINATUTUKAN KAY PBBM

    ILANG  araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sama-samang nanawagan ang mahigit sampung malalaking transport organizations at cooperative kay Pangulong Marcos na agarang resolbahin ang ibat ibang problemang bumabalot sa sektor ng transportasyon.     Sa isang press conference, lumantad sina Pasang Masda National President Roberto Martin upang […]

  • MMDA, pinayuhan ang mga supporters na iwasan ang magkalat sa panahon ng campaign rallies

    TINAWAGAN ng pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga supporters ng 2022 election candidates na iwasan ang pagkakalat kapag sumama sa campaign rallies.     “Ini-encourage natin ‘yung mga supporters ng atin pong mga kandidato na iwasan po yung pagkakalat,” ayon kay MMDA officer-in-charge General Manager Romando Artes.     Sinabi ni Artes […]

  • JOHN LLOYD, nilinaw na matagal na silang magkaibigan ni KATRINA, wish ng fans na magka-serye sila ni BEA sa GMA

    NILINAW na ni John Lloyd Cruz, na friends lamang sila ni Kapuso actress Katrina Halili.     Matagal na raw silang magkaibigan and in fact, dahil may real estate investments si Katrina sa El Nido Palawan, malamang na ang actress ang tumulong kay Lloydie, para makabili siya ng property doon.     Still on John […]