Walang Pinoy casualty sa deadly triple-train crash sa India – envoy
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG mga Filipino ang kabilang sa nasawi o nasugatan sa nangyaring deadly triple-train collission malapit sa Balasore silangang estado ng Odisha.
Ito ang inihayag ng Embassy of the Philippines sa New Dehli, India.
Batay sa ulat ng mga otoridad halos nasa 300 na ang nasawi habang nasa 900 ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ibat ibang hospital.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Philippine envoy to India Mr. Josel Ignacio,sinabi nito na wala silang natanggap na ulat na may mga Pinoy ang nasangkot sa nangyaring insidente.
Sa panig naman ni Mr. John Boitte C. Santos, Chargé d’ Affaires ng Philippine Embassy sa India, kaniyang sinabi na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine Honorary Consulate sa Kolkata na siyang may jurisdiction sa Odisha at sinabing walang Filipino ang nasangkot sa nasabing aksidente. (Daris Jose)
-
Spurs star Wembanyama nagtala ng record sa NBA
NAGTALA ng record sa kasaysayan ng NBA si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama. Siya lamang kasi ang pang-apat na pinakabatang manlalaro ng NBA na nagtala ng 50 points sa isang laro. Naitala nito ang nasabing puntos sa panalo ng Spurs kontra Washington Wizards 139-130. Sa edad nitong 20-anyos […]
-
Imbestigasyon ng PNP sa bomb threat sa Kongreso, nagpapatuloy-Acorda
NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa napaulat na serye ng bomb threat na natatanggap ng mga miyembro at empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakikipagtulungan na sila sa Kongreso at napagkasunduan […]
-
Herd Immunity ng Pinas, posibleng abutin ng 2023
Hindi malayong sa taong 2023 pa maabot ng Pilipinas ang herd immunity kontra COVID-19. Ito ang pagtaya ng Philippine Vaccine Tracker matapos bumagal ang pagdating ng suplay ng bakuna nitong mga nakaraang linggo. Sa datos ng PVT, mula July 9 hanggang kahapon ay bumaba ang bilang ng mga naturukan dahil sa pagkaantala ng […]