May dalawang teleserye na dapat abangan: LEANDRO, ipinagmamalaki ang inukit sa kahoy na ‘Voltes V’
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
ANG bongga naman nang inukit na Voltes V figure ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor na pinost niya ang finish product sa kanyang Facebook na punum-puno ng detalye.
Ayon kay Leandro nasa 5’2” ang taas nasabing figure na pinagawa ng isang Voltes V collector, na humigit-kumulang ay dalawa’t kalahating buwan na ginawa nila.
Kuwento ng aktor na may matinding proseso na pagdaraanan muna ang kahoy.
Sa tsikahan namin noong Hunyo 3, Sabado sa Obras de Paete gallery niya sa Paete, Laguna.
“Pagka-block ko sa kahoy, ipinorma naming maigi yung posisyon ni Voltes V. Kasi, hindi basta inukit, e.
“Makikita mo, naka-action siya, e. May dala siyang sword.
“Maraming proseso yun kung paano mong mabubuo nang maayos. Tapos, ang ginawa namin, pagkakuha dun sa styro, ipe-papier-mache para hindi matutuklap yung styro.
“Naka-papier-mache siya, tapos habang inuukit yan, nakaporma siya diyan. Para lahat ng scaling dun sa styro, lahat ng sukat, mapoporma na sa kahoy.
“So mas madaling proseso. Yun nga lang, medyo mahaba pero mas smooth yung takbo. Kasi mas matigas yung kahoy. Kung doon ka mag-a-adjust nang mag-a-adjust, mas mahirap.
“Ngayon, in-adjust muna namin sa styro para kung makapal, kung manipis, nandun na lahat. Pag kumpleto na siya, saka namin inukit sa kahoy, sa kamagong.”
Lumang kahoy yung kamagong na ginamit niya sa pag-ukit kay Voltes V.
Sabi pa niya, “Stock ko yun, e. Pag may nagbebenta sa akin ng mga old wood na kamagong, bili ako!”
“Narra. Kasi, ang mga ibinebenta ngayong narra, mga bata pa. So mangyari, dapat ang narra, pula lang.
“Pag may nagbebenta, bili ako sa tamang presyo. Stock-stock lang yan para halimbawa may special na gustong magpaukit, o di maganda yung kahoy na iano mo sa kanya.
Nakita namin sa bahay niya ang mga sample vintage lamp posts, na kung saan na nakakuha siya ng kontrata na ilalagay sa kahabaan ilang lugar sa Laguna, tulad ng Pagsanjan hanggang Luisiana.
Sa ngayon ay nakakontrata siyang mag-deliver ng 100+ vintage lampposts na mas malalaki kesa sa lampposts ng Jones Bridge sa Manila.
Pero kahit kilala na si Leandro bilang mang-uukit, ‘di pa rin niya maiwan ang showbiz.
“Hinahanap ko nung una, ayaw ko magpaka-impokrito, kailangan ko ng showbiz dahil sa… iba na kasi ngayon ang kliyente.
“Ang kliyente ngayon hindi na pupuntahan ang shop mo most of the time, kung ‘di ka nila makikita.
“Pag siyempre artista ka, nakilala ‘yung page mo, kaya yung page ko 30K followers na yan, ‘yung Paete Handicraft by Leandro Baldemor.
“Pag kasi artista ka, tatawagan ka sa telepono, ‘di ba ikaw si Leandro’ papakilala ka na para break agad yung ice, tiwala, ok na agad so malaking bagay ‘yung active ka sa showbiz kasi alam nilang may hahabulin sila,” kuwento pa niya
May dalawa siyang teleserye na gagawin sa GMA 7. Yung isa with Jillian Ward na kukunan partly sa South Korea and hopefully matuloy siya sa isa pang serye na magtatambal ang dalawang bigating Kapuso stars.
(ROHN ROMULO)
-
Comelec, binabantayan ang posibleng paglipana ng mga flying voter
TINIYAK ng Commission on Elections na hindi na makakalusot ang mga botante na nagnanais magkaroon ng multiple registration para makaboto sa ilang presinto sa susunod na halalan. Ayon kay Comelec spokesperson Atty Rex Laudiangco, binabantayan na ng komisyon ang posibilidad ng paglipana ng mga naturang botante o tinatawag ding flying voter. […]
-
Pangako ni Recto, mapagtatagumpayan ang P4.2T revenue target sa 2024
GAGAWIN lahat ni bagong Finance Secretary Ralph Recto ang kanyang makakaya para mapagtagumpayan ang target ng gobyerno na makakolekta ng P4.235 trillion na buwis ngayong taon. Ang pangako na ito ni Recto ay kanyang inihayag matapos ang panunumpa niya sa kanyang bagong tungkulin sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Kalihim […]
-
Halaga ng pinsalang iniwan ng STS ‘Kristine’ sa mga paaralan sa PH, umabot na sa P3.3-B –DepEd
UMABOT na sa P3.3 billion imprastraktura ang halagang iniwang pinsala ni Severe Tropical Storm (STS) ‘Kristine’ sa kabuuang 38,333 na paaralan sa Pilipinas ang naapektuhan ayon sa Department of Education (DepEd). Sa partial na datos ng DepEd aabot sa P2.7 billion ang pag-reconstruct ng mga naapektuhan na classroom at karagdagang P680 million para naman […]