Mga priority sectors na popondohan sa 2024 national budget, isinapubliko na ng DBM
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI aalisin sa prayoridad ng gobyerno para sa 2024 national budget ang nasa larangan ng imprastraktura, agrikultura, kalusugan at edukasyon.
Ito’y bunsod na rin na naka-pokus ang administrasyong Marcos sa 8 point Socio-Economic agenda at Philippine Development Plan 2023-2028.
Tinuran ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na ipagpapatuloy ng administrasyong Marcos ang nasimulang Build, Build, Build ng nakaraang administrasyong Duterte na tinawag namang Build, Better, More ng kasalukuyang gobyerno na inaasahang magpapataas sa GDP growth ng bansa.
Ang paliwanag naman ng Kalihim, pinanatili nilang nasa priority sector ang agrikultura gayung bukod sa hindi gaanong napag-ukulan ito ng kailangang suporta sa mga nakaraan ay kailangang matiyak ang value chain sa bansa.
Winika ng Kalihim na hindi nabigyan ng sapat na investment ang sektor ng agrikultura na sa mga nagdaang panahon ay sadyang napakababa ng naipagkaloob na suporta.
Samantala, kabilang din sa 2024 Budget Priorities Framework ang digital transformation, human capital development, climate action and disaster resilience, research, development, at innovation. (Daris Jose)
-
PSA website nakaranas ng glitches sa National ID registration
Nakaranas ng “technical difficulties” ang website ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang araw ng online registration para sa National ID. Sa isang advisory, sinabi ng ahensya na sinisikap ng kanilang team na resolbahin ang issue na ito sa lalong madaling panahon. Kasabay nito ay humihingi ng paumanhin ang ahensya sa […]
-
Kinabog ang mga celebrity pets: Fur baby ni TAYLOR SWIFT, nasa $97 million na ang net worth
KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats. Umaabot sa $97 million, o mahigit PhP 5.4 billion, ang net worth ng fur baby ni Taylor dahil sa social media. Ayon pa […]
-
Ads January 17, 2024