• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles

NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.

 

 

“The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang kalatas.

 

 

Layon ng DOE ay maglunsad ng  2,454,200 electric vehicles, kabilang na ang mga kotse, tricycles, at motorsiklo, upang makatulong na mailigtas ang kapaligiran at makalikha ng investments para sa bagong industriya  sa  2028.

 

 

Ayon sa  DOE,  ang panawagan para sa mabilis na  pag-rollout sa mga  electric vehicles ay bilang pagsuporta sa inisyatiba ng Electric Vehicle Industry Development Act na lumikha ng  kaaya-ayang kapaligiran para sa development ng  electric vehicles sa bansa.

 

 

Para naman sa Department of Transportation, ginagawa na nito ang roadmap para sa paglipat ng transport sector sa electric vehicles.

 

 

Kinokonsidera naman ng DOTr ang pagbibigay ng tax incentives at soft loans sa mga transport operators upang sa gayon ay matulungan ang mga ito na lumipat sa electric vehicles. (Daris Jose)

Other News
  • Pilipinas ‘top 5 sa mundo’ pagdating sa batang wala ni isang bakuna — UNICEF

    AABOT sa 1 milyong bata ang hindi pa nakakakuha ng kahit ni isang dose ng anumang “childhood vaccine” sa Pilipinas, dahilan para mapasama ang bansa sa may pinakamaraming bilang ng zero dose children sa buong mundo.   Isiniwalat ng (United Nations International Children’s Emergency Fund) Philippines na top 5 contributor ang Pilipinas sa 18 milyong […]

  • Executive branch, may malaking papel sa pagkaka-aresto sa magkapatid na Dargani

    SINABI ng Malakanyang na kailangan ding bigyan ng kredito ang Executive department sa pagkaka-aresto sa Pharmally executives na sina Mohit at Twinkle Dargani ng Senate security personnel sa Davao City.   Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Senate Sergeant-at-Arms ang Pharmally executives ang magkapatid na Dargani.   Ang dalawa ay naaresto matapos na magtago sa […]

  • 41-yr. old Udonis Haslem kukunin uli ng Miami kahit ‘di ‘naglalaro’

    Kukunin pa rin umano bilang miyembro ng Miami Heat ang isa nilang iconic personality na si Udonis Haslem kahit hindi na ito gaanong pinalalaro.     Ang 41-anyos na si Haslem ay kinuha pa ng koponan para sa isang taon na kontrata sa halagang $2.6 million.     Kung maalala sa halos buong NBA career […]