Phivolcs, nagbabala sa patuloy na pagbuga ng gas ng Taal
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko hinggil sa patuloy na ‘degassing activity’ o pagbuga ng gas mula sa Bulkang Taal.
Sa Taal Volcano advisory ng Phivolcs nitong Linggo, nagkaroon nang pagbuga ng gas mula sa Taal, na sinabayan ng pagluwa sa lawa ng Main Crater na lumikha ng makapal na usok na umabot hanggang 3,000 metro mula sa Taal Volcano Island (TVI). Ito anila ay lumikha ng volcanic smog o vog sa kapaligiran ng bulkan.
“Naiulat ang vog kaninang umaga (Linggo) ng mga mamamayan ng Munisipyo ng Balete, Laurel at Agoncillo, Batangas. Nagbuga ang Taal Main Crater ng 5,831 tonelada kada araw na volcanic sulfur dioxide o SO2 gas noong 1 Hunyo 2023, mas mataas sa average na 3,556 tonelada kada araw nitong nakalipas na buwan,” dagdag pa ng Phivolcs.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng Phivolcs ang publiko na ang vog ay binubuo ng mga pinong droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at maaaring magdulot ng pangangati ng mata, lalamunan at respiratory tract na may kalubhaan depende sa mga konsentrasyon ng gas at tagal ng pagkakalantad.
Ang mga komunidad na maaaring maapektuhan ng vog ay pinapayuhang limitahan ang mga aktibidad sa labas at sa halip ay manatili na lamang sa bahay.
Mas makabubuti anila kung puprotektahan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng N95 facemask.
Payo pa ng Phivolcs, uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang anumang pangangati o paninikip ng lalamunan.
Dagdag pa nito, kung magkaroon ng paglala o matinding pagbabago sa mga monitoring parameters, maaaring itaas muli ang antas ng alerto sa Alert Level 2.
Babala pa ng Phivolcs, sa kasalukuyang Alert Level 1, maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas sa kapaligiran ng TVI. (Ara Romero)
-
Alapag hangad na mapasama sa coaching staff ng Kings sa NBA
Umaasa si dating PBA point guard Jimmy Alapag na mapapasama siya sa coaching staff ni Sacramento Kings’ head coach Luke Walton para sa darating na NBA season. Ito ay matapos pagharian ng Kings ang 2021 NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada kung saan nakasama si Alapag bilang isa sa mga assistant ni […]
-
‘Mag-ipon sa bangko, sa halip na sa alkansya’ – BSP
HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isaayos ang pag-iipon ngayong panahon ng pandemya. Lumalabas kasi na marami ang nag-iipon ngunit nakalagay lamang ito sa mga piggy bank, jar o anumang container sa mga bahay. Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliban sa hindi ito nakakatulong sa pagpapalago […]
-
Proseso sa pagdi- distribute ng bakuna laban sa COVID, kasado na – Sec. Roque
INILATAG na ng gobyerno ang sistema na ipatutupad na may kinalaman sa pagdating sa bansa ng COVID 19 vaccine hanggang sa ito ay maibigay na sa mga recipient. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa paliparan ay kukunin ang mga paparating na bakuna ng mga refrigerated trucks. At mula sa airport ay […]