Bukod pa sa pagtatambalan nila ni Aga: JULIA, ‘di big deal kung second choice sa movie nila ni ALDEN
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAHAYAG ng Viva Films na tinanggap na ni Julia Barretto ang bago niyang project, ang “A Special Memory,” na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Ito iyong movie na dapat ay pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo, pero nag-beg-off si Bea dahil sa busy schedule nito. Maraming humanga kay Julia dahil hindi big deal sa kanya kung second choice lamang siya.
May isa pa kasing gagawing movie si Julia sa Viva na ang makakatambal naman niya ay si Aga Muhlach, titled “Forgetting.”
Ito muna ang uunahing gawin ni Julia habang hinihintay niya ang availability ni Alden.
May dalawang shows pa kasing gagawin si Alden sa GMA Network, Magsisimula na siyang mag-taping ng bago niyang show sa GMA, iho-host niya ang isang musical competition titled “Battle of the Judges” na magsisimulang ipalabas middle of this month.
Isusunod dito ni Alden ang pagti-taping naman ng isang drama show sa GMA din.
***
SINA Cristine Reyes at Marco Gumabao, ang napili ng Viva Films na magtambal para sa remake ng dating pelikulang pinagtambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.”
Nakasama noon nina Vilma at Boyet si Eddie Garcia.
Isa ang movie sa ipinahayag ni Vincent del Rosario sa mga upcoming projects ng Viva. Ayon pa kay boss Vincent, nagawa na nina Cristine at Marco ang naturang project bago pa nila inamin ang tunay nilang relasyon.
Ang TV series ay mapapanood sa TV5, abangan natin ang announcement kung kailan magsisimula ang airing nito at kung sinu-sino pa ang bubuo sa cast.
(NORA V. CALDERON)
-
FLOOD-CONTROL PROJECTS, handa na para sa LA NIÑA-PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña. “The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon. Ang […]
-
Army Dragon Warriors, humakot ng mga parangal sa 1st leg ng PH Dragon Boat Federation Regatta
ITINANGHAL na over-all champion ang Philippine Army Dragon Warriors sa 1st leg ng Philippine Dragon Boat Federation Regatta matapos hakutin ang unang pwesto sa tatlong kategorya. Isinagawa ang torneo sa prestihiyosong Manila Bay noong Marso 27 ng taong kasalukuyan matapos itong maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic. Ayon kay […]
-
VICE, ipinasilip na ang sobrang bongga na bagong bahay
ANG bongga ng bagong bahay ni Vice Ganda! Ipinakita niya ito sa kanyang You Tube account. Hindi pa nakalagay ang lahat ng gamit pero base pa lang sa ilang naipasilip niya, sobrang bongga talaga. Lilipat pa lang si Vice sa bagong bahay dahil suppos- edly, noong March ay tapos na raw sana ito, […]