• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit sa GSIS, SSS funds sa Maharlika pinalagan ng Senado

PUMALAG  ang parehong lider ng mayorya at minorya sa Senado sa naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaari pa ring gamitin ang pension funds ng SSS at GSIS para pondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

 

 

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villa­nueva, walang puwang ang anumang interpretasyon dahil malinaw namang nakasaad sa probisyon ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng pondo ng ahensya ng gobyerno at mga GOCCs na nagkakaloob ng social security at public health insurance para sa Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Nakasaad sa probisyon ng MIF Bill na ang mga pension funds sa ilalim ng SSS, GSIS, PhilHealth, PAGIBIG, OWWA at PVAO ay hindi kailanman maaa­ring gamitin na pampondo sa mga proyekto ng kor­porasyon, mandatory o voluntary man ito.

 

 

Tinukoy ni Villanueva na tatlong beses na binanggit sa inaprubahang MIF Bill ang prohibition sa paggamit ng pondo ng mga nasabing ahensya at tanggapan.

 

 

Tanong naman ni Se­nate Minority Leader Koko Pimentel, bakit ba mas­yadong interesado ang gobyerno sa paggamit ng pondo ng GSIS at SSS.

 

 

Giit ni Pimentel, “hands off” dapat ang pamahalaan sa paggamit sa pondo ng GSIS at SSS dahil ito ay private funds ng kanilang mga myembro.

 

 

Sinita pa ng senador ang tila ‘play of words’ ng gobyerno na umiiwas na gamitin ang mga salitang INITIAL CAPITAL, ADDI­TIONAL CAPITAL, AT BONDS at sa halip “SUBSCRIBE TO PROJECTS” ang gagamitin na sa madaling salita ay popondohan ang mga proyekto ng Maharlika Investment Fund Corporation. (Daris Jose)

Other News
  • Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte

    Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hun­yo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon.     Idinagdag ni Duque na […]

  • ‘Pacquiao-Crawford megabout posible sa 2021’ – Arum

    Tiwala si Top Rank CEO Bob Arum na mangyayari na sa susunod na taon ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at American superstar Terence Crawford. http://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/Crawfordthumb.jpg Ayon kay Arum, nais nilang makipag-usap muli sa kampo ni Pacquiao kasunod ng technical knockout win ng kanyang alagang si Crawford sa naging laban nito kontra […]

  • 19,000 Pinoy na nagtatrabaho sa POGO, maaapektuhan sa ban ng DOLE

    MAHIGIT  19,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms sa  National Capital Region (NCR) ang maapektuhan sa nalalapit na ban, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla na nakapag-profile ang ahensya ng nasa 19,341 Filipino employees na nagtatrabaho sa ilalim ng […]