CHED, gustong i-digitalized ang scholarships, ibang serbisyo
- Published on June 8, 2023
- by @peoplesbalita
PALALAWAKIN ng Commission on Higher Education (CHED) ang digitalization efforts ng administrasyon para ma-cover ang mas marami pang serbisyo kabilang na ang scholarship.
Ang pahayag na ito ni CHED chairperson Prospero de Vera III ay matapos tintahan ng CHED at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang memorandum of understanding (MOU) para sa e-governance para pagsamahin ang information and communication technologies (ICT) sa higher education sector.
Layon ng memorandum na i-promote ang “relevant and quality” higher education sa pamamagitan ng integrasyon ng ICT sa sektor ng edukasyon.
“Ang balak ng CHED ay makipagtulungan sa DICT para iyong mga kailangang dokumento ng mga estudyante at iyong mga serbisyo na ibinibigay natin sa mga estudyante ay puwede nang kunin online,” ayon kay De Vera.
Sa ilalim ng scholarship digitalization plan, tinitingnan ng CHED na makapag-secure ng ilang “landing page” kung saan ang mga estudyante ay madaling magkaka-access sa application information.
“Nandoon lahat ng scholarship ng CHED para mabasa nila iyong impormasyon, ano iyong requirements, ano iyong mga deadline tapos unti-unti gagawin natin iyong application ay online,” aniya pa rin.
Maliban sa scholarship services, idi- digitalize ng CHED ang proseso ng sertipikasyon at pagkuha ng kinakailangang mga records ng bagong graduates para sa pagtatrabaho.
“Kaya’t doon sa mga handa ng mga pamantasan na sumama sa platform gagawa tayo ng signing ceremony din with DICT para sila ay sumama na sa platform at puwede nang aplayan iyong mga transcript at diploma doon,” ayon pa rin kay De Vera.
Samantala, nakiisa naman ang CHED sa opisyal na paglulunsad ng electronic governance Philippines (eGov PH) Super App ng gobyerno noong Hunyo 2. (Daris Jose)
-
5 Govt. Agency prioridad na iimbestigahan
LIMANG government agency na talamak sa katiwalian ang binigyan priyoridad na iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra. Ayon kay Guevarra ,kabilang na ang Philippine Health Insur- ance Corp.(PhilHealth), Bureau of Customs , Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways. Sinabi ni Guevarra na una na […]
-
Dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa ika-6 na sunud-sunod na linggo, asahan
MULING magtatakda ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa ika-anim na magkakasunod na linggo. Tataas mula P1.10 hanggang P1.30 ang singil sa kada litro ng gasolina. Habang nasa P1.00 hanggang P1.10 naman ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng diesel. Papatak naman sa […]
-
Unang Olympic gold: P35.5-M, bahay at lupa nag-aabang kay Hidilyn Diaz sa ‘Pinas
Maliban sa gintong medalya, limpak-limpak na salapi at iba pang gantimpala ang nag-aantay sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz pag-uwi niya mula Pilipinas. Ika-26 ng Hulyo nang mapalanunan ng weightlifter ang gintong medalya mula sa 2021 Tokyo Olympics — ang una ng Pilipinas simula nang sumali ito noong 1924. Alinsunod sa […]