Cebu Bus Rapid Transit Project posibleng mahinto
- Published on June 8, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang isang Chinese contractor ng Cebu Bus Rapid Transit System (CBRTP) Package 1 na kanilang ihihinto ang construction works nito kapag ang Department of Transportation (DOTr) ay mabigong magbayad ng paunang 10 porsiento ng kabuohang kontrata na gagamitin bilang mobilization fund.
Binigyan ang DOTr ng hanggang June 15 upang bayaran ang nasabing halaga na siya naman kinumpirma ni Cebu BRT Project Manager at City Councilor Jerry Guardo na siya rin chairman ng city council’s Committee on Infrastructure.
“The Hunan Road and Bridge Construction Group Ltd is demanding 10 percent mobilization fund. Until now, they have not received it yet,” wika ni Guardo.
May kabuuang mahigit sa P900 million ang ginawad ng DOTr sa nasabing Chinese contractor. Sinabi ni Guardo na may mga contractors na nagsisimula na ng construction works kahit na hindi pa sila nababayaran ng advance payment.
Ang Hunan group ay minamadali ang construction works ng Cebu BRT Project’s Package 1 na matapos dahil si mismong President Marcos ang may gustong matapos na ito ngayon December na siyang magiging isang regalo niya sa mga Cebuanos.
“If the DOTr will not give in to their demand to pay the mobilization fund by June 15, the construction works will definitely be suspended. However, if they keep on their promise to pay, then the construction works will continue,” dagdag ni Guardo.
Inaasahang mabibigyan ng kaukulang pansin ng DOTr ang nasabing concerns ng Hunan sa loob ng 10 araw. Umaasa naman si Guardo na aaksyunan agad ng DOTr ang problema upang hindi magkaron ng balakid ang construction works na siyang nakadadagdag sa inconvenience ng commuting public.
Ayon naman kay CBRT Project Manager Engr. Norvin Ymbong na natanggap na ng DOTr ang sulat mula sa Hunan at sa ngayon ay ang check ay pipirmahan na lamang.
“Although the issue on the payment has yet to be settled, a special meeting had been set with some of the Cebu City department heads and other agencies to discuss lot acquisition, timeline, and other matter pertaining to Cebu BRT project” saad ni Cebu Brt Technical Head Engr. Carmella Enriquez.
Sinumulan noong nakaraang March ang construction works ng Cebu BRT Project. Ito ay may tatlong packages na nagkakahalaga ng P16.3 billion. Ang Package 1 ay may 2.38 kilometers na segregated bus lane na may apat na bus stations. Habang ang Package 2 ay may 10.8 kilometers at ang Package 3 ay may 22.1 kilometers na haba.
Ang Package 1 lamang ang naigawad na sa contractor habang ang 2 packages ay wala pang napiling constractors. LASACMAR
-
“ESCAPE ROOM” WELCOMES BACK FANS WITH NEW TRAILER OF SEQUEL
It’s only a game if you play by the rules. Watch the new trailer now for Escape Room: Tournament of Champions, which has just been unveiled by Columbia Pictures. The film opens soon in Philippine cinemas. YouTube: https://youtu.be/rzCnWyr1Yz4 About Escape Room: Tournament of Champions Escape Room: Tournament of Champions is the sequel […]
-
MOA sa pagitan ng Kamara at Philippine National Red Cross para sa blood donation program, nilagdaan
NILAGDAAN ng Kamara at at ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang Memorandum of Agreement (MOA), para sa pagsasagawa ng mga serye ng mga aktibidad sa donasyon ng dugo, sa mga oras at petsa na mapagkasunduan at pipiliin ng magkabilang panig. Sa ilalim ng MOA, magkakaroon ng aktibidad para sa blood donation na […]
-
Pagbubukas ng klase sinalubong ng kilos protesta
NAGSAGAWA ng kilos protesta ang rotesgrupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kasabay ng pagbubukas ng klase at pagdiriwang ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day, kahapon ng umaga sa Mendiola sa Maynila. Naging highlight ng pagkilos ang sabay sabay na pagbusina sa mga dalang sasakyan ng mga guro pasado alas 10 ng umaga para […]